Rosario parish priest missing

April 3, 2022 Dennis Abrina 2083 views

RosarioNOVELETA, Cavite. – Kung sino man po ang nakakaalam o nakakita sa aming kapatid na si Rev. Fr. Leoben Peregrino, parish priest ng Holy Rosary Church ng Rosario, Cavite pakipagbigay alam lamang po sa amin o itawag sa 09178039253 or 046 438 1785

Siya po ay umalis sa kumbento noong April 1, 2022 ng 9:30 ng umaga at may nakakita na nagpagas sa may Petron malapit sa SM Rosario. Bandang 11-12 ng tanghali may nakakita din sa kanya na palabas ng Robinsons Gen Tri.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa siya bumabalik sa Simbahan ng Most Holy Rosary Parish Church Rosario, Cavite na huling umalis ng kumbento na may suot na kulay Violet na shirt at Maong pants.

As of April 3, 2022 almost 48 hours na pong hindi nabalik dito sa kumbento si Rev. Fr. Phem Octavo Peregrino. Huli pong namataan ang sasakyang kanyang minamaneho na white Mitsubishi Adventure VES 470 sa Brgy Santiago General Trias City ng April 1, 2022 at around 10:51 AM base po ito sa cctv footage ng barangay.

Patuloy nyo po kaming tulungan na manalangin sa Panginoon na makabalik na po si Father Phem ng ligtas. Kung may makukuha po kayong information pakipagbigay alam lamang po sa aking number 09178039253 o tumawag po sa simbahan (046) 438 1785.

“Ongoing pa ang investigation. Magbibigay kami ng updates soon,” ayon kay Police Lt. Colonel Ruther Saquilayan, acting police chief ng Rosario Police.

AUTHOR PROFILE