Osang

Rosanna hindi nakauwi kahit namatay ang ina

September 11, 2021 Aster Amoyo 787 views

NASA gitna ng lock-in taping sa Vigan, Ilocos Sur ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na co-director din ng serye. Kasama rin sa cast ang bagong pasok na si si Rosanna Roces na hindi na nakauwi sa pagkamatay ng kanyang inang si Gng. Norma Cruz-Adriano na sumakabilang-buhay nung nakaraang Huwebes, September 9 sa edad na 90 due to old age.

Ang mga labi ng ina ni Osang (Rosanna) ay nakatakdang i-cremate ngayong araw na ito ng Linggo, September 12 kaya ang urn na lamang ang aabutan niya kapag nagkaroon ng break ang taping.

Nagluluksa man si Osang, ipinakita pa rin nito ang kanyang professionalism. Naniniwala ang actress na nauunawaan ng kanyang yumaong ina ang kanyang trabaho.

Si Rosanna ay ulila nang lubos dahil nauna nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama several years ago.

Kasama ni Rosanna na nagluluksa ang kanyang siblings na sina Danilo, Arsenio, Jr. Edmund at Odette.

Kylie2Kylie suportado ni Jake

TWENTY-year-old beauty queen-turned actress Kylie Verzosa is in for a big surprise in her life when she was trusted by Viva’s top honcho na si Boss Vic del Rosario to do the remake of South Korean’s erotic-thriller hit movie “The Housemaid” first made in 1960 and had a remake in 2010. The movie was adapted in the Philippines by Viva Films with the 2016 Miss International playing the title role.

Hindi ikinakaila ni Kylie na hindi naging madali para sa kanya na tanggapin ang nasabing proyekto lalupa’t may pagka-daring ang tema nito which would require her to show some skin plus her intimate scenes with Albert Martinez. Pero aminado siya na nagandahan siya sa pagkakalatag ng kuwento kaya pinanood niya ang Korean version nito. Binasa rin ng kanyang boyfriend, ang actor na si Jake Cuenca ang script at siya man ay nagandahan din sa story ng pelikula.

With Jake’s support, lumakas ang loob ni Kylie na gawin ang pelikula lalupa’t katrabaho niya ang mga veteran actors na sina Albert, Jaclyn Jose at Alma Moreno.

And for a newcomer tulad ni Kylie, nahusayan kami sa kanya at may future siyang maging isang mahusay na aktres sa kanyang henerasyon. Hindi sin siyempre maikakaila ang kanyang pagiging sobrang seksi na kahit sinong kaanak ni Adan ay mabibighani sa kanya.

Ang “The Housemaid” ay matutunghayan sa Vivamax at sa iba pang digital platforms simula ngayong October 1. Directed by Roman Perez, Jr, tampok din sa nasabing pelikula sina Louise de los Reyes at ang child actress na si Ella Eliano.

LaraLaraAnak ni Lara Viva star na

LAST Wednesday, September 8 ay lumagda ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) ang panganay na anak ng dating sexy star na si Lara Morena na si Millen Galang who will be representing the country sa isang international beauty pageant which will be held virtually in Portugal.

Bukod kay Millen (22), Viva talent na rin ang dalawa sa mga pamangkin ni Lara at mga pinsan ni Millen na sina Stephanie (20) at Micaela Razote (19).

Part ng talent ni Millen ang hosting, acting, singing, dancing and playing ukulele. Ito’y nagtapos ng Applied Corporate Management sa De la Salle University. Siya’y mahilig din sa pagsusulat ng poetry habang ang kanyang sports include volleyball, swimming, badminton at paglalaro ng golf.

Ang younger brother ni Millen na si Frost Galang ay nakatakda ring lumagda ng kontrata sa VAA isa sa mga araw na ito.

Dahil sa patuloy na paglakas ng Vivamax app hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa (Middle East, Japan, Indonesia, Singapore, etc.) mas maraming content ang kailangan kaya tuluy-tuloy ang pagbi-build-up ng Viva ng mga baguhan and even more established talents.

Sina AJ Raval at Sean de Guzman ay dalawa lamang sa mga baguhang talents ng Viva na agad sumikat at napansin ng mga manonood.

Ang Vivamax ang most downloaded app ng Google Play in the Philippines with over 700,000 subscribers and counting.

Gloria dalawa na ang apo

DALAWA na ang apo ng kauna-unahang Filipina Miss Universe-turned actress na si Gloria Diaz sa kanyang anak na si Isabelle Daza-Semblat, ang three year-old na si Balthazar Gabriel (30) at ang five months old son na si Valentin.

Si Baltie (palayaw ni Balthazar Gabriel) ay isinilang nung April 1, 2018 habang si Valentin naman nung April 1, 2021.

Ang picture ni Valentin ay ibinahagi ng Kapamilya actress sa 5th wedding anniversary nila ng French businessman husband na si Adrien Semblat. The couple got married nung September 10, 2016 sa Castello di Gargonza in Italy.

Sa magkaka-barkada, pare-pareho nang may two boys each sina Isabelle, her cousin Georgina Wilson at ang celebrity stylist na si Liz Uy habang tig-isa pa lamang (both girls) ang mga anak ng mag-sister-in-law na sina Anne Curtis at Solenn Heussaff. Together, sina Isabelle, Geogina, Liz, Anne at Solenn ay may tag na `It Girls’.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE