Dizon Personal na tinanggap ni Manila Police District (MPD) Director Andre P. Dizon (ikalawa mula kanan) ang isa sa 50 folding mountain bikes mula kay dating MPD chief P/Maj. Gen. Roberto ‘Boysi’ Rosales Ret. (pangalawa mula sa kaliwa), kasama ang mga Filipino-Chinese community sa MPD Headquarters, Ermita, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

Rosales, Fil-Chi community nagbigay ng 50 folding bikes sa MPD

January 28, 2023 Jonjon Reyes 387 views

AABOT sa 50 folding mountain bikes ang tinanggap ng Manila Police District (MPD) sa ilalim ni Director Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon na nagmula sa dating hepe ng kapulisang Maynila na si Retired P/Maj. Gen. Roberto “Boysi” Rosales katuwang ang Filipino-Chinese community sa isang turnover ceremony sa MPD Headquarters kung saan naging panauhing pandangal si Rosales sa Ermita, Maynila.

Sa isinagawang traditional na flag-raising ceremony kasama si Rosales, siya ay ginawaran ng pagkilala ng mga kapulisang Maynila dahil sa naging malaking ambag nito sa nasabing himpilan tulad ng “Tamang Bihis” at mabuting pakikitungo sa mga mamamayan bilang isang alagad ng batas kasabay rin ang paggawad ng pagkilala sa mga karapat-dapat na kapulisan ng MPD.

Lubos naman ang pasasalamat ng tinaguriang “The Game Changer General” na si Dizon sa mga bagong mountain bikes ng dating MPD chief at sinabi nitong malaking bagay ito sa kanilang pagpapatrolya at papanitiling malusog ng mga kapulisan sa kanilang pag-iikot sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE