Fire Ang larawan ng MV Mercraft 2 RoRo vessel habang ito ay nilalamon ng apoy at mga na-rescue na pasahero sa nasunog na RoRo vessel. Kuha ni Gemi Formaran

RoRo vessel nasunog sa Quezon, 7 patay

May 23, 2022 Gemi Formaran 308 views

Victims

Victims1

UMABOT sa 120 pasahero ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng insidente ng pagkasunog ng isang fast craft na RoRo (Roll-on/Roll-off) vessel sa karagatan ng Real, Quezon Lunes, Mayo 23, 2022.

Dalawampu’t tatlo ang nasaktan at kasalukuyang ginagamot sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, pito ang naiulat na namatay, habang pito pa ang hinahanap ng search and rescue team (SAR), ayon sa mga awtoridad.

Nakilala ang mga nasawi na sina Viola Empreso, Marivic Samareta, Edna Balanac, Crisanto Debelles, Charito Escareces, Andy Tejares at Mina Enciso ayon sa ulat ni Quezon Police Director Col. Joel Villanueva.

Ayon sa record, nasa 124 ang mga pasahero ng naturang RoRo vessel at sampung ang crew ng MV Mercraft 2 at na-i-tow na sa Baluti Island, Bgy. Cawayan, Real, Quezon.

Idineklarang “fire under control” ilang minuto bago mag-10AM.

Ayon sa PCG 5:00 a.m ng umalis ng munispyo ng Real Quezon ang naturang vessel.

Ilang munity makalipas ang 6:00 a.m sinasabing nagbigay ng abandon ship ang kapitan ng vessel habang nasusunog ito.

Ayon sa PCG walang overloading ayon na rin sa manifest na nakuha ng PCG.

Nagpapatuloy ang investigation ng mga awtoridad kaugnay sa nagyaring insidente.

Nagpahatid naman ng tulong sina Quezon Rep. Mark Enverga and Governor-elect Angelina Tan sa mga biktima at pamilya ng mga nasawi.

Nagpahayag si Rep. Enverga na maghahain siya ng House resolution para imbestigahan ang insidente. Nina Gemi Formaran, Jun I. Legaspi, Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE