FPJ

Roosevelt Avenue magiging Fernando Poe, Jr. Avenue na

January 14, 2022 Aster Amoyo 128 views

FAMILY, relatives, friends and supporters of the legendary icon of Philippine cinema, movie king and National Artist Fernando Poe, Jr. (Ronald Allan Kelly Poe in real life) na pinangungunahan ng movie queen na si Susan Roces (Jesus Purificacion Levy Sonora-Poe) must be very happy ngayong isa nang ganap na batas ang Republic Act No. 11608 renaming Roosevelt Avenue in Quezon City to Fernando Poe, Jr. Avenue matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nung nakaraang January 13, 2022, araw ng Huwebes. It was in September 2021 nang aprubahan ng Senado ang House Bill No. 7499 renaming Roosevelt Avenue ng unang legislative district ng Quezon City to Fernando Poe, Jr.

Ang ancestral house ng mga Poe ay matatagpuan sa Roosevelt Avenue na hindi kalayuan sa FPJ Studios na matatagpuan naman sa Del Monte Avenue, also in Quezon City.

Ang paglagda ni Pangulong Duterte ng Republic Act No. 11608 came seventeen years after his death on December 14, 2004. Ang RA #11608 ay magkakaroon ng bisa fifteen (15) days matapos mailathaha sa isang national newspaper.

Ang Roosevelt Avenue na magiging Fernando Poe, Jr. Avenue na ay bahagi ng legislative district 1 ng Quezon City.

Nung December 14, 2012, on FPJ’s 8th death anniversary ay isang monumento ng yumaong movie icon ang itinayo sa kanto ng Roxas Boulevard at Arquiza St. sa Maynila and the formal unveiling ay dinaluhan ng mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe.

Nung nabubuhay pa si FPJ ay nakagawa ito ng mahigit 300 films na karamihan ay siya mismo ang bida at producer (under FPJ Productions) habang ang iba ay siya rin ang director using his directorial name na Ronwaldo Reyes. Ilan sa mga classic hit movies ni FPJ include “Ang Panday,” “Ang Probinsyano (na binigyang-buhay sa telebisyon ni Coco Martin), “Lo’ Waist Gang,” “Ang Agila,” “Batang Quiapo,” “Agila ng Maynila,” “Bato sa Buhangin,” “Ang Alamat,” “Ang Pagbabalik ng Lawin,” “Batang Maynila,” “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” at napakarami pang iba.

FPJ was the president that we never had. He died at age 65 dahil sa atake sa puso .

Bukod sa maybahay ng yumaong movie icon, tiyak na very proud din ang kanyang tatlong anak na sina Sen. Grace Poe, Lovi Poe at Ronian Poe.

SueSue hindi maitago ang crush kay Zanjoe

SA January 24 (Monday) na magsisimula ang much-awaited mystery-drama series na “The Broken Marriage Vow,” Philippine adaptation ng hit BBC series na “Doctor Foster” which was also adapted in other countries tulad ng Australia, New Zealand, Poland, France, Sweden, Scandinavia, Finland, Spain, Turkey, Russia, India at South Korea.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay binubuo ng isang powerhouse cast na pinangungunahan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at ang dating child star na Zaijian Jaranilla who is now 20 years old. Kasama rin sa cast sina Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuna, Empress Schuck, Joem Bascon, Brent Manalo, Malou Crisologo, Franco Laurel, Sandino Martin at iba pa at kung saan naman may special participation sina Susan Africa at Ronnie Lazaro. Ang nasabing serye ay magkatulong na pinamahalaan nina Connie Macatuno at Andoy Ranay.

Although nagkatrabaho na sina Zanjoe at Sue sa TV drama series na “Annaliza” in 2013, hindi ikinakaila ng 25-year-old actress na wala pa umano siya sa showbiz ay crush na niya ang dating model-turned actor na si Zanjoe (39) at alam umano ito ng huli. The young actress considers her role in“The Broken Marriage Vow” her most challenging as she plays Lexy Lucero, ang mistress ng character ni Zanjoe as David Lustre, ang mister ni Dr. Jill Valdicano-Lustre played by Jodi Sta. Maria. Si Zaijian naman ang gaganap sa role ni Gio V. Ilustre, anak ng mag-asawang Dr. Jill at David.

Nakasanayan nang tawagin ni Sue na Kuya si Zanjoe pero ayaw umanong pumayag ang huli kaya Z na lamang umano ang tawag niya dito na hinahangaan din niya bilang isang magaling na actor.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay papalit sa primetime slot ng hit romance-comedy series na “Marry Me, Marry You” na magtatapos na sa January 21, 2022.

GenevaGeneva1Geneva ngayon lang makikipaglaplapan sa TV

ALTHOUGH acting is nothing new sa 45-year-old singer-actress na si Geneva Cruz, hindi nito ikinakaila na nakakapanibago ang acting debut sa telebisyon sa pamamagitan ng bagong simulang afternoon TV series ng GMA, ang “Little Princess” which premiered last January 10 dahil kontrabida ang kanyang role as Odessa Montivado bilang asawa ni Marcus na ginagampanan naman ni Jestoni Alarcon. Magkakaroon siya ng affair sa ibang guy na gagampanan ng model-actor na si Marx Topacio.

Ayon sa singer-actress, in his 33 years in her singing and acting career ay ngayon lamang daw siya nagkaroon ng intimate kissing scenes.

Since may pagka-bad ang kanyang character, she had to explain everything to her 7-year-old daughter na si London na role lamang ang kanyang ginagampanan at naiintindihan naman ng bata.

The singer-actress eldest son na si Heaven (sa kanyang ex-husband na si Paco Arespacochaga) ay binata na at nasa Amerika at nauunawaan din nito ang trabaho ng kanyang mom.

Geneva started her acting career in 1992 sa pamamagitan ng “Anak ng Pasig” na sinundan ng “Secret Love” in 1993. Gumawa rin siya ng dalawang pelikula in 1995, ang “Campus Girls,” “I Love You, Sabado”. Huli siyang napanood sa 2020 MMFF movie na “Coming Home” na pinagbidahan nina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez.

Rachel muli ring mapapanood sa isang TV series

SAMANTALA, kung si Geneva ay napapanood sa “Little Princess,” ang kanyang best friend namang si Rachel Alejandro ay mapapanood din sa bagong primetime series ng ABS-CBN, ang “The Broken Marriage Vow” na magsisimulang mapanood sa darating na January 24.

Si Rachel ay umuwi ng Pilipinas para gawin ang kanyang kauna-unahang TV series. She’s happily married sa kanyang Spanish journalist husband na si Carlos Santamaria. The childless couple will be celebrating their 11th wedding anniversary on April 9.

KrisRobin ipinagtanggol si Kris

MARAMING concerned citizens ang nababahala sa patuloy ng pagbagsak ng kalusugan sa tinaguriang “Queen of All Media,” ang 50-year-old host-actress at entrepreneur na si Kris Aquino na kamakailan lamang nahiwalay sa kanyang fiance na si Mel Sarmiento, dating DILG Secretary at politician.

Isa ang actor na si Robin Padilla sa mga nagtanggol at nakikiusap sa mga basher ni Kris na tantanan nila ang host-actress lalupa’t may may pinagdadaanan ngayon. Si Robin ay naging kasintahan ni Kris when she was still young at Presidente pa (ng Pilipinas) ang kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Cory Cojuangco-Aquino.

Paalam, Sir Gus!

ANG aming taos-pusong pakikiramay sa pagyao ng napakabait na Editor-in-Chief ng Journal Group na si G. Augusto `Gus’ B. Villanueva na pumanaw kahapon, January 14 ng madaling araw sa edad na 83. Mami-miss ka namin.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE