Rondalla

Rondalla Club dumalaw sa Batangas City

August 13, 2024 Jojo C. Magsombol 164 views

BATANGAS City–Nag-courtesy call noong Lunes ang Rondalla Club ng Pinamucan Integrated School kay Mayor Beverley Dimacuha bilang bahagi ng kanilang Project Brigada: Harana Para sa Brigada na naglalayong makakalap ng pondo para sa pagpapaayos ng kanilang paaralan.

Binubuo ang Rondalla Club ng 15 estudyante mula sa junior at senior high school ng eskwelahan.

Nagpamalas ng kanilang musical talent ang club sa pagbisita na naglalayong maisulong ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng musika.

Ayon kay Joey Gunnacao, trainer ng club, nabuo ang Rondalla Club noong 2022 at mula noon naging aktibo na sa iba’t-ibang malalaking event.

Most memorable performance ng club ang pagtugtog sa crowd kasama si President Ferdinand Marcos Jr. nang bumisita ang pangulo sa JG Summit kamakailan.

Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ng grupo sa ipinagkaloob na tulong ni mayor sa kanilang paaralan.

AUTHOR PROFILE