Martin

ROMUALDEZ TRUST RATINGS UMANGAT

April 3, 2024 People's Tonight 89 views

Tanging si Speaker Romualdez lang sa mga pinakamataas na PH execs ang tumaas satisfaction ratings sa Tangere survey

SA mga pinakamataas na opisyal ng bansa, tanging si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang nagkaroon ng pagtaas sa trust at satisfaction ratings batay sa resulta ng survey ng Tangere.

Ayon sa survey ng Tangere noong nakaraang buwan, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 52 porsyentong trust rating na tumaas mula sa 51 porsyento noong Pebrero.

Ang satisfaction rating naman ng lider ng Kamara ay nakapagtala ng 41 porsyento, tumaas ng isang percentage point kumpara sa survey noong Pebrero.

Nakakuha ng pinakamataas na rating si Speaker Romualdez sa Visayas region sa parehong trust at satisfaction ratings.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 2,000 respondents. Mayroon itong margin of error na +/- 2.2 porsyento at confidence level na 95 porsyento.

Sa kaparehong survey, nakakuha si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng 54 porsyentong trust rating at 41 porsyentong satisfaction rating.

Samantala, si Vice President Sara Duterte ay nakapagtala ng 64 porsyentong trust rating, bumaba ng 4 percentage points, habang ang kanyang satisfaction rating ay nasa 54 porsyento na bumaba ng 3 percentage points.

AUTHOR PROFILE