Romnick

Romnick college lecturer na

June 6, 2023 Aster Amoyo 189 views

ISA na ngayong college lecturer si Romnick Sarmenta, at ikinatuwang mahilig magpa-selfie ang kanyang mga estudyante dahil crush siya ng kanilang mga nanay.

Romnick is 51 at nagtuturo sa Trinity University of Asia, kung saan naimbitahan siyang maging lecturer sa Media and Communication Department ng College of Arts, Sciences and Education.

Nagtuturo si Romnick sa kursong Writing Dramatic Materials for Broadcast Industry and the Emerging Media, at Behavioral and Social Change Communication.

“What’s funny is that most of my students say ‘Sir, puwede ba akong magpa-selfie kasi crush ka ng nanay ko.’ So mas feeling ko na safe ako dahil ‘yung nanay nila ang may crush sa akin,” biro pa ng aktor.

Isa sa mga sikat na matinee idol noong 1980s si Romnick na ka-loveteam si Sheryl Cruz.

Napapanood si Romnick sa “Unbreak My Heart” kasama sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia.

Ginagampanan niya ang role ni Mario, ang ama ng karakter ni Joshua na si Renz.

Abdul pizza ang panuhol kay Shayne

AbdulINAMIN ni Abdul Raman na patuloy ang ginagawa niyang panunuyo kay Shayne Sava. Inihayag din ng aktor ang “love language” niya sa dalaga.

Taga-Marikina si Abdul at madalas itong magdala ng pagkain kay Shayne, na taga-Pasig. Mahilig si Abdul na maghatid ng pizza kay Shayne.

“It’s my love language,” sey ni Abdul.

Inihayag ni Abdul ang “best thing” na nakita niya kay Shayne.

“Bukod sa mata niya. I just really love her really, really jolly personality and ‘yung genuine… I just love talking with her. ‘Yung personal moments namin na never napapakita on screen,” diin ni Abdul.

Parehong naging contestant sina Shayne at Abdul sa StarStruck season 7 kunsaan si Shayne ang itinanghal na Ultimate Female Survivor.

Mga bida ngayon sina Shayne at Abdul sa Kapuso afternoon series na “AraBella.”

Jillian gagawa ng pelikula sa ibang bansa

JilianNAKATAKDANG bumida si Jillian Ward sa isang pelikula na ishu-shoot sa ibang bansa. At ang kaniyang magiging leading man, isa ring dating child star.

Dating sidekick lamang si Jillian sa movies na kanyang ginawa, ngunit isa na siya ngayong bida. Hamon para kay Jillian na sa ibang bansa pa isu-shoot ang kaniyang kaniyang unang starring film.

“Nae-excite po ako, siyempre kasi first movie ko po siya bilang dalaga na, hindi na po ako baby. Last movie ko po baby pa po ako. Tapos out of the country pa po. Pero sa totoo lang po kinakabahan po ako kasi siyempre po bagong experience po siya dahil nga ang tagal ko na pong hindi nagmu-movie,” sabi ni Jillian.

Matipid naman ang mga sagot ni Jillian sa kung sino ang kaniyang magiging leading man, pero dapat daw abangan dahil dati rin itong child star.

“Abangan nila dahil ‘yan din po ang hindi ko pa nagagawa, ang film po na may love story talaga. Abangan po nila kung ‘yun po ba ‘yon or baka mamaya horror. Hindi natin alam,” sabi ni Jillian na masaya sa patuloy na mataas na ratings ng GMA Afternoon Prime teleserye na Abot-Kamay Na Pangarap.

AUTHOR PROFILE