Romano

Romano namaalam sa edad 51

January 24, 2022 Aster Amoyo 451 views

ISA na namang taga-industriya ang pumanaw nung Linggo ng gabi, January 23, 2022, ang dating miyembro ng youth-oriented program ng GMA, ang “That’s Entertainment” Friday group hosted by the late Master Showman, German `Kuya Germs’ Moreno, ang singer-actor at businessman na si Romano Vasquez (Romanito Romano Anacan Dila) who died at age 51.

Iniwan ng singer-actor-businessman ang kanyang misis na si Alma `Len-Len’ Panuelo Dila at apat na anak na sina Angelie (22), Albert (16), Sky (15) at Raven (8).

Ang mga labi ni Romano ay nakaburol ngayon sa Crown Funeral Service, Purok 6, Brgy. De Ocampo, Trece Martirez City, Cavite.

Si Romano ay nagsimula sa kanyang showbiz career when he was a teen-ager sa “That’s Entertainment” ni Kuya Germs. Bata pa siya ay pangarap na talaga niya ang mag-artista. After high school ay sumubok siya sa stage acting hanggang mapunta siya sa telebisyon at pelikula.

During his “That’s Entertainment” days ay naging kasintahan niya ang singer-actress na si Shirley Fuentes. Naging isa rin siya sa talents ng premyadong director, ang yumaong si Maryo J. de los Reyes Nakagawa rin siya ng maraming pelikula tulad ng “First Time, Like A Virgin,” “Dark Tide,” “Epimaco Velasco: NBI,” “Suicide Rangers,” “Mariano Mison: NBI,” “Alipin ng Aliw,” “Maam Turuan Mo Ako,” “Titser’s Enemy No. 1,” “Night Job,” “Astig,” “Mainit,” “Sexventure,” “Pikit-Mata” at iba pa. Bukod sa mga action movies na kanyang sinalihan, gumawa rin siya ng mga sexy movies noon at nakapag-record ng album in 2016 na pinamagatang “Chicken Adobo” under Bell Haus Entertainment.

Nang tumamlay ang kanyang career, napariwara ang kanyang buhay pero siya’y nagising, natuto at bumangon hanggang sa siya’y suwertehin sa kanyang pinasok na negosyo.

We’ve always known Romano as a nice guy. Marunong makipag-kapwa tao, palabati at maganda ang PR.

Romano will be reunited in heaven with his two mentors na sina Kuya Germs at Direk Maryo J.

defensorCong. Mike ipinagmamalaki ang anak na LGBTQ member

FIFTY-two-year-old ANAKalusugan Partylist congressman and Quezon City mayoralty candidate Michael `Mike’ Defensor is the late Sen. Miriam Santiago’s nephew.

During an intimate presscon held at the open garden of Annabel’s Restaurant in Quezon City last Sunday afternoon, inamin ng young lawmaker na meron siyang anak na miyembro ng LGBT community na si Miguel Gabriel pero never umano nagbago ang kanyang pagmamahal at suporta rito na nung umpisa ay hindi alam kung paano sasabihin at aamin sa kanya. Tulad ng apat pa niyang mga anak, equal umano ang pagmamahal nilang mag-asawa sa kanilang mga anak na sina Michaela Francesca, Michael Angelo, Michelle at Juliana Pia. Kinu-consider nilang mag-asawa na apat ang kanilang anak na babae (including Miguel) at isa lang ang anak nilang lalake na si Michael Angelo.

Just like his four other children, he is so proud sa kanyang second child na si Miguel dahil sa mga achievement nito.

Si Rep. Mike Defensor finished his primary , college and Masters in Public Administration sa University of the Philippines at high school sa Niles McKinley High School and took his Masters in International Business Law sa University of Liverpool in England. Naging chairman siya ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), youngest councilor at age 22 sa ikatlong distrito ng Quezon City. He also became the youngest congressman at 25 sa 3rd district ng Quezon City, naging miyembro ng tinaguriang “Spice Boys” ng Kongreso nung 11th Congress where he also became an assistant Minority Floor Leader. Siya rin ang pinakabatang naging miyembro ng cabinet (during the term of of former Pres. Gloria Macapagal-Arroyo) nang siya’y maging Cabinet Secretary of Housing. Naging Secretary din siya ng Dept. of Environment and Natural Resources at naging Chief of Staff ng Office of the President. Siya rin ang namuno ng Task Force NAIA 3 sa pagbubukas nito. Naging chairman din siya ng Philippine National Railways (PNR).

Dahil sa kanyang mahaba at malawak na karanasan sa public service at pagiging isang matagumpay na negosyante, maraming mga pagbabago ang kanyang gustong gawin at ipapatupad kapag siya ang nahalal na mayor ng pinakamalaking siyudad ng Metro Manila, ang Quezon City.

JLCJohn Lloyd nauna pa kay Bea na magka-project sa GMA

FOUR months apart ang paglagda ng network contract sa pagitan ng dalawang former prized stars ng ABS-CBN na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Si Bea ay pumirma nung nakaraang July 1, 2021at sumunod naman si John Lloyd nung November 9, 2021. Pero si JLC ang unang nagkaroon ng programa, ang weekly TV sitcom na “Happy ToGetHer” na pinamamahalaan ng actor-comedian at comedy director na si Edgar `Bobot’ Mortiz.

Dapat sana’y mauunang magkaroon ng project si Bea, ang first movie na pagtatambalan nila ni Alden Richards na joint production ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment. Ang proyekto ay isang K-movie base sa pelikulang “A Moment To Remember” na ipinalabas sa South Korean nung 2004. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasisimulan. Malamang na mauna pa ang gagawing teleserye ng pagtatambalan nina Bea at Alden sa Kapuso network. May gagawin ding teleserye si John Lloyd pero hindi pa alam kung sino sa mga Kapuso actresses ang kanyang makakatambal.

May nag-suggest naman na sana raw ay si Andrea Torres, ang ex-girlfriend ni Derek Ramsay na mister na ngayon ni Ellen Adarna na ex-girlfriend naman ni John Lloyd.

Samantala, naka-suspend ngayon ang network contract ni Derek with GMA dahil hindi pa umano ito handa sa mga lock-in taping.

Maganda rin siguro kung pagsasamahin sa isang teleserye o pelikula sina John Lloyd, Bea at Derek.

Ano sa palagay mo, Annette Gozon-Valdez?

DingdongPanahong pinakamaraming tinamaan ng Omicron sa showbiz

ITO na yata ang panahon na may pinakamaraming showbiz personalities kasama ng ilang miyembro ng kanilang pamilya ang tinamaan ng Omicron variant ng Covid-19. Ang pinakabago ay ang pamilya ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Halos lahat ng nagka-Covid na mga personalidad ay hindi makapaniwala na sa kabila ng kanilang pagiging maingat ay nahawaan pa rin sila. Ang nakakatakot lamang ay damay pati mga bata na hindi pa bakunado.

BiancaAng actress, comedienne at host na si Candy Pangilinan ay dalawang beses nang tinamaan ng virus. Una nung Christmas time nung December 2020 at nitong pagpasok lamang ng bagong taon. Maging si Bianca Gonzales at kanyang anak ay hindi rin naligtas gayundin si Iya Villania at mga anak gayundin si Pia Guanio and daughter. Ang ilan pa sa kanila ay ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach, ang singer-performer na si Morissette Amon, ang singer-actress na si Shaina Magdayao at marami pang iba.

Si DILG Secretary Eduardo Ano ay tatlong beses nang nagka-Covid maging sina Sen. Panfilo Lacson at dating senador Antonio Trillanes.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE