Atty. Vic Rodriguez

Rodriguez: Sama-sama tungo sa tagumpay!

May 1, 2022 Tess Lapuz-Lardizabal 211 views

Miting de avance

BBM-Sara magdaraos ng mga miting de avance sa Luzon, Visayas, Mindanao

“SAMA-SAMA tayo tungo sa tagumpay sa gaganaping mga miting de avance ng BBM-Sara UniTeam sa Luzon, Visayas at Mindanao.”

Ito ang mabunying pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ng nangungunang kandidato sa pagka-Pangulo at dating senador na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay Rodriguez, ang mga miting de avance ng BBM-Sara ay gaganapin sa Mayo 3, 2022 sa Guimbal Football Field sa Guimbal, Iloilo para sa Visayas, sa Mayo 5 sa City Hall Grounds, Tagum City, Davao del Norte para sa Mindanao at sa Mayo 7 sa Block 7 sa harap ng Solaire sa Parañaque City para sa Luzon.

“Ang aming alok na pagkakaisa ay ipinapaabot namin sa inyong lahat, dahil nasa ating pagkakaisa ang pag-asa ng ating bansa!,” ani Rodriguez.

Umani naman ng libong positibong reaksyon sa mga netizen ang nakaplanong mga miting de avance at itinanghal na nilang ika-17th na presidente ng Pilipinas si Marcos at susunod na bise-presidente si Duterte.

Marami rin ang nagbabala na protektahan ang nangungunang tambalang BBM-Sara at bantayan ang mga boto sa darating na halalan sa Mayo 9.

Narito ang ibang komento:

“Magkaisa Ang lahat, kapit bisig para sa ating susunod na Presidente at bise Presidente.”

“The Great Leaders.”

“Gising na gising na ang sambayanan, iisa ang sigaw— BBM at Sara, walang iba. No force on Earth can prevent the return of the Marcoses.”

“Winner tatlong malalaking rally ipanalo na natin ito unting tiis na lang,bantay boto tayo sa May 9.”

“60MillionSureVoteForBongbongSaraAndParty, #ILALANDSLIDEngBUONGBANSA🇵🇭 #ILALANDSLIDE ng OFW.