Dick

Roderick, ’di disappointed sa pagkalaglag ng entry sa MMFF

November 22, 2021 Vinia Vivar 289 views

Hindi naman disappointed si Roderick Paulate na hindi nakasama ang pelikula niyang Mudrasta sa Metro Manila Film Festival 2021.

Unang-una ay hindi nga raw niya alam na isinali pala sa MMFF ng producer na T-Rex Entertainment ang movie.

Nagulat na nga lang daw siya nang may magsabi sa kanya na hindi nakapasok at ang unang reaksyon niya nga raw ay, “Ha? Isinali ba?”

Para kay Kuya Dick, siguro ay blessing in disguise rin na hindi ito napili as one of the official entries sa MMFF 2021 because of the current situation.

“Kung pre-COVID, gusto kong makasama ang movie sa MMFF, pero during COVID, naisip ko, baka walang manood. Pero gusto ko rin kung nakasama ngayon dahil gusto ko ring matawa ang mga tao sa panahon ngayon, pero gusto ko ring matawa ang mga tao na walang mask,” sey ni Kuya Dick.

Dahil nga tumatakbo si Kuya Dick ngayon bilang councilor sa District 2 ng Quezon City, gusto niya sanang maipalabas na agad ang movie bago pa magsimula ang campaign period.

Samantala, three years nagpahinga si Kuya Dick sa pulitika matapos ang kanyang tatlong termino bilang konsehal sa District 2 ng QC.

Naging busy nga siya sa showbiz at gumawa pa siya ng seryeng One of The Baes kung saan ay nagwagi siyang Best Supporting Actor sa Star Awards for TV.

Na-miss din niya ang pagsisilbi sa mga tao.

If you are used to providing help and service to the public, siyempre mami-miss mo ang pagtulong.

Nais ni Kuya Dick na pagsilbihan muli ang kanyang mga kababayan sa District 2 kaya naman heto’t nagbabalik siya sa pagtakbo for public office.

Ibang fufillment din daw ang nararamdaman niya kapag may mga lumalapit sa kanya para magpasalamat sa kanyang naitulong o ginawa.

AUTHOR PROFILE