Rochelle ‘minura’ ng fan dahil sa husay

September 19, 2024 Aster Amoyo 69 views

NAPAMURA ang isang netizen dahil sa kanyang pagkabilib sa acting performance na ipinakita ng Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan sa hit GMA family drama na Pulang Araw.

Marami ang pumupuri ngayon sa husay sa pag-arte ni Rochelle bilang si Amalia sa serye. Sa episode 37 ng Pulang Araw sa Netflix, napanood ang isang eksena kung saan nagmamakaawa si Rochelle sa mga sundalong Hapones na pinipilit siyang ikulong sa kuwarto at pagsamantalahan.

Dahil walang kalaban-laban, napilitang sumama si Rochelle sa mga sundalong ito at sapilitan din niyang itinaboy ang kanyang anak upang hindi ito madamay.

Sa Instagram, proud na nag-post si Rochelle ng mensahe sa kaniya ng isang fan kung saan ramdam ang matindi nitong emosyon sa nasabing eksena.

“Hi Rochelle. Gusto ko lang murahin ka sa napakagaling mong pagganap sa Pulang Araw. T*ng inaaaaaa! Iba ka,” laman ng mensahe kay Rochelle.

“KALMAAA!” caption naman ni Rochelle sa kaniyang post.

Pero ayon sa aktres, naiintindihan niya ang intense na reaksyon ng netizens sa emotional scene na ito. Dahil isa lamang ang eksenang ito sa pagsasadula sa mabigat na dinanas ng mga kababaihan noon na naging comfort women sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.

Aniya, “Pero maraming salamat. Kasing intense ng iyong papuri ang eksena. Inappropriate ‘yung words pero naiintindihan ko kasi sabi nga ng iba ang hirap hanapin ng salita para i-describe ang hirap at pasakit na dinanas ng ating mga kababayan nung panahon ng Hapon!”

Dagdag pa niya, “Patuloy po kayong sumubaybay sa Pulang Araw! Marami pang mas mabibigat na eksena na talaga namang mapapamura kayo!”

“Super galing mo po. Una nanggigil ako sa’yo pero grabe din pagpaiyak mo sa ‘kin wala masabi,” komento pa ng isang netizen.

“Grabe simula Daisy Siete to Pulang Araw the best pa rin good job Ms. @rochellepangilinan,” mensahe pa ng isang fan.

“Totoo! Nakaka-iyak, galit lang ako sa UTANG NA LOOB scence with Eduardo pero hagulgol ako sa nangyari sa’yo. Married, may asawa at anak pero naging biktima ng panghahalay,” dagdag naman ng isang viewer.

Mapapanood na sa free TV sa GMA Prime at Kapuso stream ang naturang eksena ni Rochelle sa episode 37 ng Pulang Araw.

Sa latest episodes ng Pulang Araw, napanood na ang unti-unting pagpapahirap ng mga mananakop na mga Hapones sa mga Pilipino. Ito ay matapos mabigo ang Amerika na depensahan ang bansa sa Japanese forces.

Ang mga tagpong ito ang nagbibigay pagsubok sa buhay ng mga karakter na sina Eduardo (Alden Richards), Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), at Hiroshi (David Licauco).

Dito na rin makikita ang pang-aabuso sa kapangyarihan ng hukbo ng Japanese Imperial Army na pinamumunuan ni Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).

Patuloy na subaybayan ang Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

Katseye na Pinay ang leader, nasa bansa

ShowtimeNASA Pilipinas ngayon ang bagong global girl group na KATSEYE, na ang isang miyembro at tumatayong lider ng grupo ay Pinay, si Sophia Laforteza.

Ipinakilala ang mga miyembro ng KATSEYE na sina Manon, Lara, Daniela, Megan, Yoonchae at si Sophia, na siyang lider ng grupo.

Nasa ilalim ng pamamahala ng HYBE at Geffen ang KATSEYE.

Si Sophia, excited na nakauwi ng Pilipinas, na anak ng TV, movie at stage performer na si Carla Guevarra-Laforteza.

Sobrang proud si Carla sa kaniyang anak na gumagawa ngayon ng kasaysayan bilang ang unang Pilipina idol sa ilalim ng management ng HYBE.

“So much pride for my daughter because she is representing the Philippines. Every single day I cry,” sabi ni Carla.

Dahil matagal nang hindi nakauwi si Sophia, humiling siya ng mga paborito niyang mga pagkain, kasama na ang sinigang.

“It’s such an honor to be standing here, my hometown, in front of all of you, this is really a dream come true and I cannot wait for us to come back and forth to the Philippines,” sabi ni Sophia.

Ipinadama rin ng pamilya ni Sophia ang Pinoy hospitality sa pamamagitan ng paghahanda ng home-cooked Filipino dishes sa grupo.

“I feel like being a leader of KATSEYE is such an honor. I love these girls so much, and so I feel like because of that, knowing that they trust me and I feel a mutual respect and care from them, it makes the job a lot easier and less stressful,” sabi ni Sophia.

Pahayag naman ni Daniella tungkol kay Sophia, “Sophia is the best leader. She always takes care of us she makes sure we are doing okay and whenever we’re upset or pressured with something we always go to her.”

“You are mom of the group but you are also like cool. Like you’re so non-judgmental always,” ayon naman kay Lara.

Ang KATSEYE ay nabuo mula sa survival reality show na The Debut: Dream Academy.

Matapos mag-debut ng grupo nitong Hunyo, ni-release na rin nila ang kanilang EP na “SIS” o “Soft is Strong,” na nirerepresenta ang kanilang sisterhood.

Kinagiliwan din ng marami ang latest single nila na “Touch,” na ginawan pa ni Sophia ng Taglish version.

Sam namigay ng blessings sa kaarawan

PicIPINAGDIWANG ni politician and entrepreneur at boyfriend ni Rhian Ramos na si Sam Verzosa ang kanyang kaarawan noong nakaraang September 12, 2024.

Kilala bilang SV, minarapat niyang i-share ang kanyang blessings sa kanyang espesyal na araw.

Namahagi siya ng 100 siomai carts para sa mga nais magsimula ng kanilang negosyo. Nakakabit ang bawat cart sa bisikleta para mas madali itong ibiyahe.

May kasama itong iba’t ibang mga kagamitan sa pagluluto at pagtitinda tulad ng kalan, steamer, lalagyan ng inumin, cooler, sauce bottles, condiment jars, at iba pa.

Mayroon pa itong kasamang ilang food supplies tulad ng siomai, bigas, mga sawsawan, toyo, sago, gulaman, at iba pa.

Nasa 700 katao ang nag-apply para sa libreng start-up na pangkabuhayan ni SV. Sinuri sila nang mabuti para mapili ang 100 na siyang nabigyan ng food carts.

Inihandog ni SV ang mga siomai carts sa mga taong napili sa basketball court ng Manuel L. Quezon University sa Hidalgo Street sa Quiapo, Manila noong September 16.

“Tutulungan ko kayong tulungan ang mga sarili ninyo. Sagot ko po kayong lahat,” pahayag ni SV

Lubos na naging emosyonal ang mga nahandugan ng pansimula ng kanilang negosyo kaya hindi rin napigilang maluha ni SV.

May nakilala pa siyang isang ama na nasa ospital ang anak at nangako siya rito ng karagdagang tulong.

“Ramdam ko ‘yung sakit, ama rin ako eh. Nakita ko ‘yung anak niya sa ospital. Hindi lang ito ang tulong ko sa’yo. Sasagutin ko ‘yung sa ospital mo ah, sa anak mo. Akong bahala sa ‘yo,” aniya.

Mapapanood ang pamamahagi ni Sam Vezosa ng 100 siomai food carts sa kanyang public service program na Dear SV. Dalawang bahagi ang kanyang birthday special kaya tunghayan ito sa September 28 at October 5, 11:30 p.m. sa GMA.

AUTHOR PROFILE