Robredo gumagawa ng ‘multo’?

April 12, 2022 Lee Ann P. Ducusin 192 views

KUYOG na naman sa social media si Leni Robredo dahil sa umano’y fake news na ipinalabas nito hinggil sa plano umano ng kampo ni Bongbong Marcos na magpakawala ng ‘black propaganda’ kung saan ay isinasangkot umano sa iskandalo ang isa sa mga anak na babae ng tinaguriang Lugaw Queen.

Wala pang malinaw kung anong uri ng iskandalo ang sinasabing ipakakalat sa media ng Marcos camp, ngunit hinihinalang ang unang nagpakalat ng ganitong uri ng impormasyon ay ang kampo ng dilawan.

Dahil dito, lalong nag-init ang mga netizens upang batikusin ang kampon ng dilawan.

Ilan sa puna nila ay ang bintang na itinuturo agad sa kampo ni Marcos. “Nasaan ‘yung scandal na sinasabi nila? Mayroon ba talaga?,” sabi ni Bernard Arriola ng San Juan, Metro Manila.

Sa sobrang pagkadesperado aniya ng kampon ng dilawan, kung anu-anong gimik na ang ginagawa ng mga ito.

“Hindi ba sila ang gumagawa ng black propaganda against sa mga Marcos? Marami na silang ginagawang pambu-bully at fake news sa mga anak ni BBM tulad nina Sandro at Vinny. Ngayong nabubuko ang kasalbahian nila sa mga bata, ibibintang naman nila kay Marcos. Kahit kailan, hindi nagsalita ng masama sa kanila si BBM,” sabi naman ni Teresa Mojica ng Lipa City.

Sa FB post ni AnyoneButLugaw, naglabas ito ng pahayag na:

“FAKE NEWS ALERT

Mukhang may bagong issue na naman na ginagawa yung mga kakampink: nagkakalat daw tayo ng ‘scandal.’ Kahit wala naman talagang video.

Pansinin niyo, puro galing sa mga influencer nila sa Twitter ‘yung ingay. Sila lang talaga ang gumagawa ng issue para masamain tayo.

Pathetic talaga pag matatalo na ang kampo, gagawa ng issue kahit sila rin masisira,” sabi pa niya.

AUTHOR PROFILE