Robin

Robin sa mga bumabanat kay Kris: Magpakatao muna kayo

January 14, 2022 Vinia Vivar 52 views

KrisIpinahayag ni Robin Padilla ang kanyang labis na pag-aalala sa kalagayan ng kalusugan ni Kris Aquino kasabay ang pakiusap sa mga kababayan na tigilan na ang pambabatikos sa mahal niyang kaibigan.

Sa kanyang Facebook account kahapon, nakiusap ang action star sa mga basher na magpakatao naman at bigyan ng peace of mind si Kris.

“Bismillah. Mga mahal kong kababayan. Ako po ay nag aalala kay ms Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay ms Aquino na magpaka makatao muna po kayo.

“Hindi naman po tayo bulag para makita na May dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan.

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman.

“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan. In shaa Allah,” ang pahayag ni Binoe.

Um-agree naman ang mga netizen kay Binoe pero hindi pa rin nagpaawat ang mga basher at binanatan pa rin si Kris.

In fairness to Robin, bakas sa mensahe ng aktor ang genuine concern for Kris and obvious din na apektado siya sa lagay ng kalusugan ng kanyang kaibigan.

AUTHOR PROFILE