Robin

Robin nagulat sa sariling panalo, naghahanda na bilang senador

May 13, 2022 Aster Amoyo 463 views

Robin1

MARAMI ang nabigla (including himself) nang ang actor na si Robin Padilla ang mag-number 1 sa lahat ng mga kandidato sa pagka-senador nitong nakaraang 2022 elections at tinalo pa niya ang mga seasoned politicians and senators.

In a few days’ time ay ide-deklara na ang Commission on Elections (COMELEC) ang mga nanalong senador at iba pang mga kandidato kaya ngayon pa lamang ay tiyak na pinaghahandaan na ito ng dating action superstar maging ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez.

Dahil sa pagkakahalal kay Robin bilang senador, marami ang kumu-question sa kanyang kaalaman at aware dito ang baguhang politician.

Pero sa halip na maaga siyang husgahan, his being number 1 can attest na nasa kanya ang tiwala ng mas nakararami na tiyak na hindi niya bibiguin.

Let’s give Robin a chance to prove himself at may anim na taon niya itong patutunayan sa publiko at sa mga naniniwala at bumoto sa kanya.

Ngayong isa nang ganap na senador si Robin pagkatapos ng kanyang panunumpa, pansamantala muna nitong isasantabi ang kanyang showbiz career na naging pasaporte niya sa kanyang tagumpay bilang movie icon at idolo.

Tessie

Teysi naisisingit pa rin ang guesting kahit nasa ibang bansa na

TAONG 2018 nang mag-relocate sa Isle of Man (IOM), isang diamond-shaped island na matatagpuan sa pagitan ng Great Britain at Ireland at bahagi ng United Kingdom ang veteran comedian-actress, host, writer at dating voice over talent na si Tessie Tomas kasama ang kanyang second husband, ang marine biologist na si Roger Pullin.

Hindi ikinakaila ni Tessie na isa umanong major decision ang kanyang ginawa dahil tuluyan niyang isinakripisyo at tinalikuran ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

“Although not totally dahil puwede pa naman akong tumanggap ng proyekto kahit sa U.K. na ako naka-base,” depensa niya.

Ayon kay Tessie, nagbabago umano ang priority ng tao sa pagdaan ng mga taon.

“When we were in Manila, he was very supportive of me and my career but when he decided for us to move to U.K. hindi siya nagdalawang-salita sa akin. I said yes right away kahit alam ko na mag-iiba totally ang magiging buhay ko du’n,” aniya.

“It’s just the two of us. `Yung house na binili niya ay nasa harap mismo ng beach kaya naririnig mo parati ang ingay ng mga seagull in the morning,” kuwento pa niya.

“IOM is a small community pero may mga Filipino ring nakatira dun and some of them are my friends na,” dugtong pa niya.

To fight boredom, busy rin si Tessie sa maraming activities. She does her “TessTube” online show, writes and read books. Patuloy niyang sinusulat ang kanyang book which she plans to release kapag kumpleto na ito. She does a daily journal and she loves to writes.

“Bukas pa rin ako to do movies or TV series,” aniya.

“Puwede naman akong bumalik ng Pilipinas anytime. I just needed to know kung gaano ako katagal mawawala. Pinapayagan naman ako ni Roger (her husband),” patuloy pa ni Tessie who was recently in the Philippines for one month para asikasuhin ang mga naiwang properties ng kanyang parents sa Catbalogan, Samar.

Naisingit ni Tessie ang guesting sa “Mars Pa More” nina Camille Prats, Iya Villania and Kim Atienza sa GMA maging sa aming online show on YouTube, ang “TicTALK with Aster Amoyo”.

Tessie has an only child sa kanyang ex-husband, si Robin Tomas na naka-base sa New York City, USA with his partner.

Kahit tumagal lamang ng walong taon ang marriage ni Tessie sa kanyang unang husband, hindi na niya binago ang kanyang screen name na Tessie Tomas dahil dito siya nakilala. Thankful pa nga raw ang kanyang ex-husband dahil nakilala ang apelyidong Tomas.

 

 

Tessie1

Tessie2Magkaibigan din ang dating mag-asawa.

Tessie was only 10 years old nang magsimula siyang maging voice-over talent na minana niya sa kanyang namayapang ina, ang dati ring voice talent-actress na si Laura Hermosa. At ang nakapagtataka, she was voicing para sa batang lalake although nakakapag-switch naman umano siya sa girl voice.

At a young age ay kumikita na ng sariling pera si Tessie dahil meron na siyang on the side job as voice talent.

Si Tessie ay nakapagtapos ng Broadcast Communication sa University of the Philippines and she first landed as copy writer sa ilang advertising agencies bago siya na-pirate ng McCann-Erickson at ginawa siyang Creative Director.

In her stint in ad agencies, marami siyang showbiz talents na nakilala at kasama na rito sina Noel Trinidad, June Urbano, Ariel Ureta (na nagsimula rin as copy writer), Subas Herrerro at iba pa.

Taong 1980 nang maging bahagi si Tessie ng gag show na “Champoy” na pinangunahan mismo nina Subas at Noel. Ang nasabing gag show ay umabot ng limang taon sa ere at dito nakilala ang unang sikat na character portrayed by Tessie, ang Amanda Pineda (mula sa Amado Pineda) at nagbibigay ng weather forcast.

Naging bahagi rin si Tessie ng “Eat Bulaga” sa loob ng anim na taon mula 1981 50 1987 na naging daan para alukin siya ng ABS-CBN na mag-host ng sarili niyang daily morning show, ang “Teysi ng Tahanan” na tumagal sa ere ng anim na taon. Kasabay din niyang ginagawa ang “Abangan ang Susunod na Kabanata” kung saan naman nakilala ang character niyang si Babara Tengco.

Dito rin naging in-demand si Tessie sa ibang stand-up comedy acts na ang pinaka-popular ay ang “Meldita” (spoof on former First Lady Imelda Romualdez-Marcos).

Although nagda-drama na si Tessie sa marami niyang TV and movie projects na ang pinakahuli ay ang 2018 TV series na “The Blood Sisters” na pinagbidahan ni Erich Gonzales, aminado ang writer, actress at comedienne na first love umano niya ang comedy.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE