Mariele

Robin at Mariel, ’di magkatabi matulog

August 28, 2021 Vinia Vivar 651 views

After 11 years of being married, ayon kay Mariel Rodriguez, nag-evolve na rin siya mula sa isang dating single and young TV host na inalok ng kasal ni Robin Padilla.

Sa latest vlog ni Mariel ay pinagtatanong siya ni Robin tungkol sa kanyang nararamdaman after 11 years ng pagsasama nila.

Tanong ni Binoe, “Sa loob ng 11 taon, nagpa-flashback pa ba sa ‘yo ang pag-ibig natin?”

Sagot ni Mariel, “Siyempre naman, babe.”

Dugtong pa niya, “’Pag nakikita ko rin ‘yung self ko, nag-evolve na rin from that girl before.”

Tanong ulit ni Robin, “Hindi naman malungkot ‘yung girl na ‘yun sa pagkaka-evolve niya?”

Sagot naman ni Mariel, “Hindi.”

Tinanong din ni Binoe si Mariel kung naniwala ba agad ito nang alukin niya ito ng kasal noon.

“Oo, naniwala agad. Naniniwala kasi ako du’n sa saying na ‘when you know, you know.’ Alam mo ‘yun?” sey ni Mariel.

Tanong pa ni Binoe, “Ba’t ka naman naniwala sa ex-convict?”

Sagot naman ni Mariel, “Never kitang nakita na ex-convict, sa totoo lang.”

Paglilinaw pa niya, “I never saw you as a bad boy. Ang nakita ko sa ‘yo was you have a soft heart.”

Marami raw kumontra, pero ani Mariel, naging challenge iyon sa kanyang sarili para lalong ipaglaban si Binoe at patunayang hindi siya nagkamali sa pagpapakasal dito.

Natuwa naman si Binoe nang sabihin ni Mariel na darating din ang time na magkasama na silang matutulog.

Sa ngayon kasi ay hindi sila magkatabing matulog dahil mas kailangan siya ng mga anak nila.

“But the time will come, I know na sabi mo nga, babalik din ako sa ‘yo,” paga-assure ni Mariel sa mister.

Kinilig naman si Binoe at nag-thank you sabay-tanong sa misis ng “mahal mo pa ako, ha?”

Sagot ni Mariel, “Oo, baka nga mas more pa. Kasi mas malalim na, eh.”

DESPERADO

Desperadong-desperado na si Peterson (JM de Guzman) na mawala si Tupe (Gerald Anderson) sa buhay nina Rita (Yam Concepcion) at Baby Andrew dahil ipinautos niyang muli na patayin ito sa seryeng Init sa Magdamag, na napapanood gabi-gabi, 9:20, sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel at Jeepney TV.

Ipinatugis niya ito kay Joko (Manuel Chua) dahil hindi na niya kaya pang makita si Tupe na malapit kina Rita at Baby Andrew lalo pa nang tumira ang mag-ina sa bahay ng binata matapos madiskubre na nagtanim si Peterson ng camera sa bahay ni Raymund (Albie Casino).

Ngunit inuusig na ng konsensya niya si Joko at gusto na nitong aminin kay Tupe na si Peterson din ang may pakana sa pagkamatay ng kanyang ama.

Napigilan lang siya ni Lab (Boom Labrusca) na gawin ito dahil sila naman ang malalagay sa panganib kapag hindi nito ituloy ang pagpatay kay Tupe.

Patuloy naman ang hidwaan nina Peterson at Rita sa korte para sa annulment.
Lubos na ikinagalit ni Rita ang pagpa-file ni Peterson ng petisyon para sa sole custody ni Baby Andrew dahil may ilusyon itong sasama sa kanya si Rita.

AUTHOR PROFILE