
Robi at Maiqui pwede nang mag-baby
Masayang-masaya si Robi Domingo sa malaking improvement ng health ng misis niyang si Maiqui Pineda. Kung dati nga raw ay hindi ito makatayo o makaupo man lang, ngayon ay nakapaglalakad na ito at galing nga lang sila sa bakasyon sa Japan.
“Maiqui is okay now, she’s well and I’m so happy,” ang update ni Robi sa mediacon ng bago niyang show sa ABS-CBN with Gela Atayde, ang “Time to Dance.”
Matatandaang na-diagnose si Maiqui with dermatomyositis, a rare autoimmune disease.
Inanunsyo nila ito noong 2023 habang nagpe-prepare for their wedding. They got married in 2024.
Last December ay ni-reveal ni Maiqui ang magandang balita na she’s in clinical remission, a state where a person has no or very few symptoms of a disease.
Anyway, parang honeymoon na nga raw ang bakasyon nila sa Japan dahil pagkatapos nga ng kanilang kasal last year ay nag-focus sila sa treatment ni Maiqui.
“First few months of the relationshiop of the marriage, akala ko… ’di ba, usually, people would say, ‘ay enjoy n’yo ‘yan, trips kayo palagi.’
‘Yung trips namin, sa hospital. Especially during the first month of her recovery.
“And I’m so grateful for it. Kasi ang dami kong natutunan sa sarili ko, sa kanya, at sa aming dalawa,” ani Robi.
Nasa last dosage na raw si Maiqui ng kanyang treatment at pagkatapos nito ay pwede na silang mag-try na magkaroon ng baby.
Samantala, dahil nga sa magandang health ng kanyang misis ngayon ay ganadong-ganado si Robi na magtrabaho sa kanyang bagong show na “Time to Dance,” a dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios.
Puring-puri ni Robi ang kanyang co-host na si Gela, anak ni Sylvia Sanchez.
“Kitang-kita kay Gela ’yung gigil talaga na pag-ibayuhin pa ‘yung kanyang craft. Ang laki ng improvement niya since day one. In hosting, what you want is that connection, it’s not all about talking. Ramdam na ramdam namin yun sa kanya,” komento ni Robi.
Sa pilot episode ng show nitong Sabado, January 18, ay ipapakilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang pinakamagagaling na coach mula sa Philippine dance community. Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at kapana-panabik na one-on-one dance combats.
Mapapanood ang ”Time to Dance” tuwing Sabado, 8:30 p.m., sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC at TFC.