
Robb hulog ng langit sa mga kelot
BINULABOG ng Vivamax actress na si Robb Guinto ang social media matapos niyang ibalandra ang hubo’t hubad niyang katawan.
Sa Instagram page ng sexy star, hindi magkamayaw ang mga barakong pinanggigilan ang kaseksihan niya.
Walang suot na kahit ano si Robb. Tinatakpan lang ng kanyang kamay at mga hita ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.
Epektibo naman ang mapang-akit na sex appeal ng hot actress, dahil ang mga anak ni Adan ay halos malaglag ang panga sa taglagay niyang ganda at nag-aapoy na katawan. Napa-zoom pa sila sa mga ipinasilip ni Robb.
“Less words, more art,” sey ng Vivamax actress sa caption ng kanyang post.
Hindi lang araw ang pinatirik ng aktres sa bagbabandera niya ng kanyang alindog, pati na ang mata ng mga barako na tinakasan ng pagiging kalmado sa kanyang comment section. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang nasabing post.
“Grabe siya 😢🔥”
“Napaka mo naman Miii 🔥🔥🔥🔥”
“Ang hot mo talaga idol.”
“God took his time when he made you.”
Nakilala si Robb sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang X-Deal 2, High (School) On Sex, Showroom, Virgin Forest, Afam, Boy Bastos at iba pa.