Andeng

Road project binisita ni Mayora Andeng

April 17, 2022 People's Tonight 43 views

Binisita kamakailan ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares (nakaputi) ang construction ng kalsada at alley 13 at 14, maging ang bagong lagay na solar streetlights sa Samba Ville, Brgy San Luis. Ayon kay Mayora Andeng, mula sa dating lubak-lubak na daan, ngayon ay patagna at may drainage pa. “Hindi na rin problema ang pag-uwi sagabi dahil sa bagong installed na mga solar streetlights.Sinabay na rin po natin ang inspection ng sisimulang improvement ng multipurpose covered court at rehabilitation ng iba pang kalsadasa lugar,” sinabi ni Mayora Andeng sa harap ng mga HOA officers kapitan ng barangay at mga konsehal.

AUTHOR PROFILE