Suspek

Rizal supermarket nanakawang ng P1M

December 19, 2024 Jojo C. Magsombol 201 views

UMAABOT sa P1 milyon ang natangay sa supermarket na pinasok ng mga magnanakaw noong Miyerkules sa Brgy. Espesyal na Distrito, Jalajala, Rizal.

Ayon kina Angeline Allosada Tica, 33, at Hilario Cunag Valdez, 30, mga empleyado ng Sioson Supermarket, natuklasan nila ang pagkawala ng pera nang magbukas sila ng tindahan bandang alas-8:00 ng umaga.

Tinatayang nasa halagang P1 milyon ang natangay at isang cellphone.

Nirerepaso ang mga kuha ng CCTV ng mga kalapit na establisyemento pero walang lead ng mga pulis kung sino ang mga nasa likod ng pagnanakaw.

AUTHOR PROFILE