Ritken

Ritken, first timers sa MMFF

November 25, 2021 Vinia Vivar 360 views

Masayang-masaya sina Ken Chan at Rita Daniela na nakasama bilang isa sa Magic 8 entries ng Metro Manila Film Festival 2021 ang pelikula nilang Huling Ulan sa Tag-Araw under Heaven’s Best.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasama sina Rita and Ken sa MMFF kaya naman sobrang excited nila.

“Sabi ni Direk Louie ‘Halikayong dalawa, halikayong dalawa! May balita ako, nakapasok tayo sa MMFF!’ Nagtalunan kaming tatlo,” kwento ni Ken sa 24 Oras.

Sey naman ni Rita, “Sobrang nagsisisigaw kami roon sa loob ng studio talaga ng GMA. Kasi siyempre ang sarap sa feeling at makita na nakikita namin ‘yung pangalan naming dalawa ni Ken, nandu’n sa malaking screen. Lalo pa nu’ng nakita namin ‘yung line-up, The Magic 8 na tinatawag nila.”

Siyempre, first time rin nilang makakasakay sa float sa gaganaping Parade of Stars.

Kasagsagan na ng pandemic nang gawin nina Ken at Rita ang pelikula at noon pa man ay excited na talaga sila dahil first movie nila ito together.

AUTHOR PROFILE