Ritken

RitKen at iba pang Kapuso stars, umamin na nagka-Covid-19

June 22, 2021 Vinia Vivar 481 views

BitoyRhianCOVID-19 survivors din pala ang magka-loveteam at bida ng bagong seryeng Ang Dalawang Ikaw na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Inamin ng RitKen sa All-Out Sundays na tinamaan din pala sila ng killer virus at thankfully, nalampasan nila ito.

Sa pamamagitan ng video message para sa tribute nila sa COVID-19 patients, survivors and frontliners, ibinahagi ng dalawa at ng iba pang Kapuso artists na tinamaan din ng virus ang kanilang mga karanasan.

Ayon kay Ken, ito na ang pinakamabigat na naranasan niya sa buong buhay niya dahil hindi lamang siya ang tinamaan ng COVID kundi buong pamilya niya.

“Kailangan mo talagang seryosohin sa lahat ng oras ‘yung proteksyon sa sarili. Sandali lang na makalimot ka, hindi lang ikaw ‘yung puwedeng magkasakit.

“Ito na siguro ‘yung pinakamabigat na naranasan ko sa buong buhay ko dahil hindi lamang po ako ‘yung tinamaan at nagkaroon ng virus, ‘yung buong pamilya ko po. Lahat kami sa bahay nagkaroon ng COVID,” pagbabahagi ni Ken.

“Wala kang choice kung hindi harapin ito ng buong tapang. Kailangan magpakatatag, dahil kapag sumuko ka parang sinuko mo na rin ‘yung chance na gumaling ‘yung mga mahal mo sa buhay,” dagdag ng aktor.

Kaya naman idiniin niya ang kahalagahan ng pag-iingat at ito din ang aral na kanilang natutunan.

“Sa kabila ng mga nangyari, nagsilbi itong aral sa ‘ming lahat na ‘yung pag-iingat, kahit gaano siya kahirap kailangan mong pagtuunan ng pansin para hindi na maulit,” sey niya.

Pagbabahagi naman ni Rita, natakot siya siyempre nang magka-COVID siya.

“Of course, natakot ako. ‘Di ba, when you watch the news, you see numbers. Then it becomes the people that you know. And then one day, sasabihin na ikaw, meron ka na rin,” aniya.

Sa kabila raw ng pag-iingat niya ay dinapuan pa rin siya ng virus.

“Mahirap siyang tanggapin. Kasi, ginagawa mo lahat, eh. To take care of yourself, the people that you love, your family, friends, pero hindi, eh. Dinapuan ka pa rin. Nagkaro’n ka pa rin.

“So, it’s really out there. COVID is real,” saad ng Kapuso actress.

During those times, kay God lang daw siya kumapit at nagdasal nang taimtim.

“Si God lang talaga puwede mong kapitan, eh. Siya lang talaga. Of course, I prayed hard, I prayed really, really hard for myself and for my family.

“Every morning, I was given a chance to thank Him for all the things He has blessed me with,” ani Rita.

Bukod sa Ritken ay nagbigay din ng video messages ang iba pang Kapuso stars na sina Michael V., Boobay at Rhian Ramos na pawang COVID-19 survivors.

AUTHOR PROFILE