Rita Daniela ibinandera ang ‘drag look’
INAMIN ng celebrity mom at singer-actress na si Rita Daniela na matagal na siyang fan ng mga drag queens at masaya siyang nasubukan ang maging isa sa mga kanila.
Sabik na sabik pa ngang ibinahagi ni Rita sa isang Instagram post nitong Linggo, Setyembre 17 ang kanyang drag look na matagal na niyang gustong i-share sa netizens.
“Been wanting to share this with u all,” sey ni Rita sa caption ng kanyang post.
Pahayag pa ng celebrity mom na hindi niya inaasahang magiging isang drag queen siya dahil noon ay pinapanood lamang niya ang mga ito.
“Been watching drag queens for a long time, didn’t expect i would be one even just for a short time,” saad ng singer-actress.
Saad niya nga nang tanungin siya kung bet niya ba mag-perform na naka-drag ay game na game naman daw siya.
“Totally game when they asked me to do this!! so happy and excited! most especially when PID won the battle with miss @annettegozonvaldes!” pahayag pa ni Rita.
Marami namang netizens ang napahanga a transformation bilang drag queen ni Rita. Ilang netizens nga ang nakapansin ng kanyang ganda habang nasa kanyang drag look.
“GANDAAAA GANDAA GRABE.”
Woooiii bongga talaga ni @missritadaniela.”
OMG! So proud of you Ta. Anong drag name mo? Huhuhu isasama kita sa mga drag shows one of these days. Tas manuod tayo ng drag race ph viewing parties!!!!”