May bahid pa ng dugo kung saan bumagsak ang biktima matapos barilin. Kuha ni GIL AMAN
RIT na pumatay sa Grade 11 student hindi pa kilala
PATAY ang Grade 11 student ng barilin ng isa sa riding-in-tandem (RIT) na hindi nahuli sa kanilang bahay sa Brgy. San Pedro, San Pablo City, Laguna noong Lunes.
Nag-aaral sa Capellan Institute of Technology ang biktimang si Justin Padilla, ayon kay P/Lt. Col. Franco Alex Reglos.
Namatay ang biktima ng tamaan ng bala na tumagos sa kaliwang tagiliran bandang alas-9:45 ng gabi.
Sinabi ng ilang saksi na biglang dumating ang mga suspek at agad binaril ang suspek nang makita.
Wala pang suspek ang mga pulis sa pamamaril at maging ang motibo ng pamamaril sa biktima.