Rillo naghain ng COC para congressman ng District 4 ng QC

October 6, 2021 People's Tonight 432 views

NAGHAIN ng Certificate of Candidcy (CoC) para sa Congressman ng Distrito 4 si Marvin Rillo sa tanggapan ng Comelec sa FEMI building Intramuros, Maynila, nitong Miyerkules.

Buong suportang umalalay kay Rillo ang buong ‘Team Panalo’ sa isinagawa nitong pagsusmite ng CoC na kinabibilangan nina Bingbong Crisologo ng District 1; Mike Defensor, Mayor ng Quezon City at Winnie Castello, Vice Mayor ng QC. At mga Councilor ng District 4 sina Imee Rillo, Nanetter Daza, Raquel Malaquen, Ariel Inton at Bobby Andrew.

Ipinahayag ni dating Congresman Marvin Rillo, na hindi niya tatalikuran ang sinimulan na niyang tungkulin para sa mga mamamayan ng Distrito 4 lalo na sa panahon ng pandemya.

Isa sa kanyang mga adhikain ang magkaroon ng malaking ospital sa lungsod ng Kyusi lalo na ngayon mataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa at nakita niyang nasisiksikan sa mga ospital ang ilang mga pasyente.

Sinabi ni Rillo, na dapat ang pagtatayo ng mga ospital ang dapat pagtuunan ng gobyerno. At paglaanan ng malaking pondo ang mga gamot na kailangan ng mga pasyente.

Aniya, na sa halip na rumenta ng mga hotel, ilaan na lamang ang gagastusin para sa mga taong mas higit na nangangailangan.

Samantala, sinabi nitong nirerespeto naman niya ang desisyon ng kasalukuyang administrasyon sa pagharap sa isyu ng COVID.

Sinabi pa ni Rillo na hindi titigil ang ‘Team Panalo’ sa paglilingkod sa taong bayan at patuloy silang tutulong at maghahatid ng serbisyong diretso sa tao.

At para kay Marvin Rillo, ang mga mamamayan ang kanilang prioridad dahil mahalaga ang mga ito at dapat lamang na inuuna.

AUTHOR PROFILE