INSTANT DEATH–Dead on the spot ang biktima sa pamamaril matapos tambangan ng suspek sa Baseco compound, Port Area, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes
Rider utas sa kapitbahay; suspek timbog
PATAY sa pamamaril ng kanyang kapitbahay ang 42-anyos na delivery rider sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Lunes.
Tigok si alyas Jef-Jef ng block 9 Ext, Baseco Company ng Brgy. 6 Port Area Manila at natimbog ang suspek na si Macmod, alyas Mac ng Block 9 Lot 57 sa nasabing lugar..
Ayon sa ulat ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang 7:15 ng gabi nang mangyari ang pamamaril.
Nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga operatiba ng MPD Baseco Police na nagresulta sa pagkaka aresto sa suspek.
Bago maka eskapo ng suspek, nakipag ugnayan sina Turla kasama ang mga operatiba ng Forensic Unit.