Rider todas sa aksidente sa Tondo

October 25, 2021 Francis Naguit 170 views

SA lakas ng bangga ng kotseng Sedan, tumilapon ng ilang metro ang isang rider at tumama ang ulo nito sa semento na kanyang ikinamatay sa Tondo, Manila madaling araw nitong Lunes.

Nakilala ang biktimang si John Rod Yngco, binata, nasa hustong gulang at residente ng 1061 – D Torres Bugallon St., Tondo.

Kusang loob na sumuko sa Manila Police District Jose Abad Santos Police Station 7 ang isang Edmundo Ate Jr. ng Sitio Lower Manalite Uno Sta.Cruz, Antipolo City

Batay sa nakasaad na ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, 12:58 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa Solis St. at Jose Abad Santos Avenue.

Sa report ng pulisya, humaharurot sa pagmamaneho ng motorsiklo ni Yngco , at kahit na umano’y naka red signal na ay nagtuloy-tuloy pa rin umano itong umarangkada kaya nabangga ang harapan ng kanyang motorsiklo na tumama sa harapan ng kotse.

Tumilapon ng ilang metro ang rider at tumama ang ulo nito sa semento na siya nitong ikinamatay.

Ang mga pangyayari ay nahagip sa CCTV ng Barangay 212 Zone 17 sa ilalim ni Carmelita Francisco, punong barangay.

Isang Louie Dela Cruz, barangay kagawad ng Brgy.215 ang isa sa nagbigay ng salaysay sa pulisya.. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE