Default Thumbnail

Rider sumalpok motorcycle sa bangketa sa QQC, patay

August 14, 2022 Melnie Ragasa-limena 206 views

DEAD on the spot ang isang 32-anyos na rider nang aksidenteng sumalpok at mag-dive sa bangketa ang minamaneho niyang motorsiklo sa Commonwealth Avenue, Quezon City Linggo ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Mark Manlangit, 32, residente ng Bagong Silang, Caloocan City, base sa nakuhang driver’s license.

Batay sa inisyal na ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bandang 6:30 ng a.m. (Aug. 14) nang mangyari ang aksidente sa tapat ng gusali ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa ilang nakasaksi sa insidente, matulin na binabaybay ng biktima ang northbound lane nang bigla itong magpagewang-gewang ang minamanehong motorssklo at pagkatapos ay dire-diretsong sumalpok sa gutter.

Dahil sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang rider at una ang ulong bumagsak sa konketrong semento ng bangketa na nagresulta ng agarang pagkamatay nito.

Nabatid na unang tumilapon ang suot na helmet ng rider dahilang nang pagkabagok ng kaniyang ulo.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa naganap na aksidente.