Rider1 Patay ang Move It rider matapos magulungan ng dump truck sa Roxas Blvd.

Rider pisak sa truck

March 7, 2025 Jonjon Reyes 152 views

DEAD-on-the-spot ang Move It rider matapos magulungan ng dump truck sa Roxas Blvd corner Remedios St., Ermita, Manila noong Huwebes.

Kinilala ng biktima na si Archie Agustines, 33, base sa police report

Ayon sa report ni PEMS Jun Jun Jasminez, bandang alas-5:48 ng hapon nangyari ang aksidente.

Binabaybay ng rider ang southbound lane ng Roxas Blvd. pero pagdating sa kanto ng Remedios St. tumama ang sinasakyan niyang motorsiklo (652-QBO) na isang Honda Click.

Dahil sa pagkakasagi ng rider sa sasakyan, nawalan ng kontrol at balanse hanggang sa madulas sa semento na saktong paparating ang dump truck na minamaneho ni alyas Johnny kaya nagulungan ang rider at namatay.

Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injury with damage to property.

AUTHOR PROFILE