Default Thumbnail

Rider nasalpok ng trak sa QC, basag ang bungo

September 15, 2021 Melnie Ragasa-limena 588 views

BASAG ang bungo ng isang rider matapos masalpok ng trak ang sinasakyang motorsiklo sa Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Paul Allan H.Infante, rider ng Honda Motorcycle na may MV File No.1801-0186342.

Agad namang naaresto ang suspek na si Jaris E. Pabatang, driver ng Shacman Dump Truck na may plakang NEJ 1041.

Batay sa inisyal na report sa Traffic Sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang ala-1:45 ng hapon (September 15) nang mangyari ang aksidente sa Commonwealth Avenue, kanto ng Masaya St., Barangay San Vicente, Quezon City

Ayon sa mga nagrespondeng sina PMSG Gerald Gallardo at PSSG Jonathan Gatan, nasalpok umano ng trak ang motorsiklo at natumba saka nagulungan pa ang ulo ng biktima.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa truck driver.