Rider, kasabwat inaaresto kumasa, todas sa parak
TODAS ang motorcycle taxi rider at kasabwat niya na sangkot sa pagpatay sa ambulance driver matapos manlaban sa mga umaarestong pulis noong Martes sa Taguig City.
Ayon sa mga pulis, todas ang rider na si Raymark Labarte, 23, at kasabwat niyang si Mansor Guialal, 34, matapos manlaban sa tumutugis na tauhan ni Taguig police chief P/Col. Christopher Olazo.
Sinasabi ng mga pulis na sangkot ang mga napatay sa suspek sa pamamaril at pagpatay sa 53-anyos na ambulance driver na si Bayani Remacha.
Napatay ang driver dakong ala-1:50 ng hapon ng Lunes sa harap ng water station sa Seagull Ave., Brgy. San Miguel.
Natunton ng mga pulis ang mga suspek sa tulong ng backtracking ng mga CCTVs sa naturang lugar.
Nakuha ng mga pulis kay Labarte ang kalibre .38. 11 bala, isang magazine na may pitong bala ng kalibre .45 at motorsiklo.
Nakumpiska naman kay Mansor ang kalibre .45 pistol at limang bala.