
Rider dedo sa truck
PATAY agad ang isang rider nang bumangga sa truck ang kanyang motorsiklo sa Sitio Balite, Bgy. Banilad, Nasugbu, Batangas noong Sabado.
Kinilala ng Nasugbu town police ang nasawi na 20-anyos na construction worker ng Sitio Kay Buol, Bgy. Toong, Tuy, Batangas.
Namatay ang biktima nang sumalpok ang kanyang Yamaha Mio Sporty (DC7 3260) dakong alas-5:30 ng umaga sa Isuzu Forward double cab (CAL 2820) na kargado ng mga manok at minamaneho ng isang 43-anyos na residente ng Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija.
Tumilapon at nagtamo na malalalim na sugat sa katawan ang rider dahil sa lakas ng pagkakabangga sa truck.
Walang nai-report na nasaktan sa limang sakay ng truck.