Richard

Richard: School ni Lorin naabo sa wildfire

January 11, 2025 Vinia Vivar 91 views

Richard1Bata pa lang si Richard Gutierrez ay talagang mahilig na raw siya sa action films. Halos lahat nga raw ng action films noon ay pinapanood niya.

“Lahat ng James Bond movies, pinanood ko. Lahat ng movies ni (Sylvester) Stallone, lahat ng movies ni Steven Seagal, ni Van Damme, lahat ‘yun, pinanood ko,” kwento ni Chard nang makatsikahan namin last Friday night sa isang intimate dinner.

Maaga rin daw siyang nag-training ng karate and martial arts noong bata pa siya at nag-aaral sila ng kambal niyang si Raymond sa States.

Black belter daw siya sa karate at nagamit niya ito sa pagtatanggol sa sarili niya at kay Raymond sa mga bully classmate nila.

“When we were studying in the States, naging easy target kami ng mga bullies. Like, first of all, twins kami. Tapos, hindi nila alam kung Asian ba ‘to, Meksikano ba ‘to?” sey niya.

Kaya nga nang maging artista siya at mabigyan ng pagkakataon na gumawa ng action series and movies, very much happy siya dahil dito siya talaga nag-e-enjoy.

Sunod-sunod nga ang action projects ngayon ng aktor dahil pagkatapos ng “Iron Heart” ay mapapanood naman siya sa “Incognito,” isa pang action series kasama sina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Baron Geisler at marami pang iba.

Sobrang pinaghandaan nga raw nila ang ‘Incognito” at ginastusan din ng ABS-CBN. Bago pa nagsimula ang taping ay three months muna sila nag-training.

Pati ang mga lugar ng shoots ay magastos din. Nagpunta pa sila ng Palawan, Baguio, Italy para mag-shoot at nakatakda rin silang tumungo sa Japan sa susunod na buwan.

Samantala, napag-usapan na rin lang ang US kung saan ay may bahay din sina Chard, ikinalungkot ng aktor na marami sa friends niya ang naapektuhan ng wildfire sa Los Angeles.

Isa nga raw sa mga nasunog ay ang school ng pamangkin niyang si Lorin, anak ni Ruffa Gutierrez.

Good thing, hindi inabot ang condo niya dahil malayo ito sa wildfire.

Samantala, magsisimula nang mapanood ang “Incognito” sa Netflix sa Jan. 17, Jan. 18 naman sa iWantTFC, at Jan. 20 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z at TV5.

Kasama rin sa action-packed series sina Anthony Jennings, Maris Racal at Kaila Estrada.

AUTHOR PROFILE