Richard naka-recover na pero nangangailangan pa rin ng tulong

June 6, 2021 Aster Amoyo 115 views

VETERAN jazz singer-actor Richard Merk suffered from a mild stroke last February 11, 2021 which almost crippled the left part of his body. Pero unti-unti siyang naka-recover matapos siyang sumailalim ng tatlong buwang therapy. Kung matatandaan pa, he was also rushed to the hospital for cerebral atrophy nung December 2018. He is also diabetic at kamuntik maputulan ng paa but has since recovered. Dumaan din ang singer sa depression dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Roni Merk, gayundin ang magkasunod na pagyao ng kanyang ina, ang tinaguriang Jazz Queen ng Pilipinas na si Annie Brazil nung March 5, 2019 at wife niyang si Roni six months later nung September 23, 2019.

Si Richard ay panganay sa apat na magkakapatid. Ang kanyang younger siblings ay ang New Jersey-based singer at dating beauty queen-actress na si Rachel Ann Wolfe-Spitaletta, Raffy at dating miyembro ng dance group na Octo Maneuvres na si Ronnel Wolfe.

The singer and his late wife Roni have a 20-year old adopted daughter na si Maria Manna Merk.

Since matagal nang hindi nakakapaghanap-buhay si Richard bilang singer laluna ngayong pandemic, hindi nito ikinakaila na nangangailangan siya ng financial help for his continued medication.

Julia at Claudine posibleng magkasama sa isang project

Julia Barretto

NASA pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) ang 24-year-old actress na si Julia Barretto, panganay sa tatlong anak ng dating mag-asawang Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

Julia is currently busy sa taping ng kanyang kauna-unahang TV series sa bakuran ng Viva na mapapanood soon sa TV5, ang “Di Na Muli” na pinamamahalaan ni Andoy Ranay at tinatampukan din nina Marco Gumabao, Marco Gallo, Angelu de Leon, Mickey Ferriols, Baron Geisler, Bobby Andrews, ang nagbabalik-showbiz na si Liz Alindogan at iba pa.

Inihahanda na rin ang kanyang unang gagawing pelikula sa bakuran ng Viva Films.

Ngayong nagbabalik-showbiz na ang tiyahin ni Julia na si Claudine Barretto, maganda siguro kung pagsasamahin sa isang movie or TV project ang dalawa.

After being inactive from showbiz for quite sometime, si Claudine ay nagbabalik pelikula sa pamamagitan ng “Deception” na balik-tambalan nila ng kanyang first love na si Mark Anthony Fernandez. Ito’y mula sa panulat ng writer-director na si Easy Ferrer at direksyon ng premyadong director na si Joel Lamangan. Ito’y joint venture ng Viva Films at bagong tatag na movie production, ang Borracho Films na pinamumunuan ni Atty. Ferdie Topacio.

Bianca ikinasal sa bayaw ni Iza

KASAL na ang dating Kapuso actress at vlogger na si Bianca King (36) sa nakababatang kapatid ng British-Filipino businessman husband ng actress na si Iza Calzado na si Ben Wintle na si Ralph Wintle. Ang couple ay ikinasal sa living room mismo ng bagong mag-asawa sa Sydney, Australia kamakailan lamang kung saan sila ngayon naka-base.

Sina Bianca at Ralph ay nagkakilala sa intimate wedding nina Iza at Ben na ginanap sa Coron, Palawan nung December 19, 2018. Magmula noon ay halos inseparable na ang dalawa that brought them to various trips both here and abroad.

Although sa bakuran ng GMA unang nakilala si Bianca, she also had a chance to work at TV5 maging sa ABS-CBN kung saan siya nakagawa ng dalawang TV drama series, ang “Pusong Ligaw” in 2017 at ang “Halik” (2018-2019). Nakapag-guest din siya sa longest-running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” hosted by Charo Santos-Concio.

Bianca at JC lilipat na ng bahay

KAMAKAILAN lamang ay ibinahagi ng TV host at ex-PBB housemate na si Bianca Gonzales-Intal sa kanyang social media account ang paglipat nila ng kanyang husband, ang cager na si JC Intal at dalawa anak na sina Lucia (5) at Carmen (2) sa kanilang bagong tahanan.

Ang mag-asawang Bianca at JC ay ikinasal sa isang intimate beach wedding sa El Nido, Palawan nung December 4, 2014. Ten months later ay isinilang ang kanilang first baby na si Lucia nung October 23, 2015. Three years later ay lumabas naman ang kanilang second child na si Carmen nung October 29, 2018. Six days apart lamang ang kaarawan ng magkapatid.

Si Bianca ay pinsan ng mga Kapuso actor na sina Dingdong Dantes, Arthur Solinap at Carlo Gonzales na may kani-kanyang pamilya na rin. Dingdong is married to Kapuso Primetime Queen and entrepreneur na si Marian Rivera, Arthur to dancer and Kapuso actress Rochelle Pangilinan and Carlo to “Unang Hirit” co-host Luane Dy.

Bianca is also very close kina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez na pareho na ring may sariling pamilya.

Pokwang nagpapasalamat sa patuloy na biyaya

NANG mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung isang taon, marami sa mga contract talents ng TV network ang kanilang pinakawalan sa kanilang mga kontrata at kabilang na rito ang singer-actress-comedienne na si Pokwang who has since become a freelancer talent.

Nakagawa ng isang morning show at game program independently produced and aired on TV5 at ngayon naman ay napapabalitang kasama ang singer-actress-comedienne sa isang bagong TV series ng Kapuso network (GMA).

Nagpapasalamat si Pokwang dahil sa patuloy na biyaya na dumarating sa kanya sa kabila ng pandemya.

Pokwang who is Marietta Subong in real life has been in a long relationship with American actor Lee O’Brian na nakatrabaho niya sa Amerika sa kanyang pelikulang “Edsa Woolworth”. The couple has a daughter now na si Francine Malia.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on my Instagram and Facebook account@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE