Richard

Richard, naka-lock-in … aktor, miss agad si Sarah

November 21, 2021 Ian F. Fariñas 263 views

Noong Thursday ay dumating na si Richard Gutierrez sa Vigan, Ilocos Sur. Doon ang lock-in taping nila ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Miss na kaagad ni Richard ang misis na si Sarah, pati ang mga anak na sina Zion at Kai kahit araw-araw niyang nakasama ang kanyang pamilya noong naka-taping break sila.

“Habang taping break, sinamantala naman namin ’yung bonding at nakapag-camping pa nga kami,” sabi ni Richard.

Masaya si Richard dahil ilang beses din niyang nakasama ang parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama habang naka-break siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon nga pala sa mga balita, sa December 22 na ang balik sa Maynila ng cast, staff at crew ng nasabing Kapamilya action-drama series.

Si Sharon Cuneta naman, na kasama na rin sa cast at nagte-taping na rin ngayon sa Vigan, ay hanggang December 2 lang sa set at sa January na uli ang balik doon.

AUTHOR PROFILE