Richard

Richard, mission over sa ‘The Iron Heart’?

April 29, 2023 Ian F. Fariñas 304 views

Sa pagkatuklas sa tunay na katauhan ni Apollo (Richard Gutierrez) at pagkamatay ni Janus (Baron Geisler), kayanin pa kaya ni Apollo na pabagsakin ang Tatsulok sa umaatikabong aksyon serye ng The Iron Heart? Mukhang magiging mahirap na kay Apollo ituloy ang nasimulan lalo pa’t balak siyang alisin ni Helen (Maricel Laxa) sa misyon.

Nasa punto rin ng pagkawatak-watak ang Apollo 5 matapos ang hindi pagkakaunawaan nina Eros (Jake Cuenca), Venus (Sue Ramirez), Juno (Meryll Soriano) at Poseidon (Pepe Herrera).

Makabangon pa kaya si Apollo at ipagpatuloy ang pagpapabagsak kay Priam (Albert Martinez)?

Tutukan ang The Iron Heart, 8:45 p.m., sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, Jeepney TV at TFC IPTV.

AUTHOR PROFILE