Richard

Richard, maangas at astig ang dating sa ‘The Iron Heart’

November 8, 2022 Ian F. Fariñas 272 views

WALANG duda na si Richard Gutierrez na ang ruggedly handsome at dashing action star ng “new normal” at kitang-kita ‘yon sa dalawang impressive teasers na inilabas ng ABS-CBN para sa kanyang bagong drama-action series na The Iron Heart.

Grabe nga ang reaksyon ng fans sa nasabing proyekto na magkakaroon ng pilot telecast sa November 14 sa Primetime Bida ng ABS-CBN, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV, iWantTFC, TFC (The Filipino Channel), ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iba pang platforms ng Kapamilya Network.

Ang angas at astig lang ng dating ni Chard sa eksena kung saan nilagyan niya ng bomba ang chopper at pinasabog ‘yon.

Teaser pa lamang, hitik na sa maaaksiyong eksena na mala-pelikula ang dating at halatang ginastusan.

Obvious din na pinaghandaan ni Chard ang The Iron Heart dahil grabe ang screen presence niya sa arm combat scenes kung saan namumutok ang mga muscle niya.

Kahanga-hanga rin ang kagwapuhan niya’t kaastigan lalo na sa eksenang naka-motorsiklo siya’t naka-shades na akala mo’y isang Hollywood star ang iyong pinanonood.

Gaya ng alam ng lahat, sa Cebu City kinunan ng Star Creative group ang kabuuan ng The Iron Heart. Nag-stay talaga doon nang matagal-tagal si Chard at piling-pili ang ginamit na mga lokasyon kaya dagdag c’mon ‘yon para sa proyekto.

Ito ay bukod pa sa fact na marami na ang nag-aabangan sa tamabalan nila ni Maja Salvador.

Katunayan, nag-viral agad ang mga litrato nina Chard at Maja na kuha sa taping ng The Iron Heart na inilabas ng isang netizen.

Dahil dito, naglabas na rin ng sandamakmak na still pictures ang Star Creative kung saan lutang na lutang ang kahusayan ni Chard sa serye.

AUTHOR PROFILE