Richard

Richard kini-claim na ama ng isang 24-year-old na lalaki

October 31, 2021 Aster Amoyo 508 views

yapNAHAHARAP ngayon ang Kapuso actor at businessman na si Richard Yap sa kontrobersiya sa paglantad ng isang nagngangalang Joshua Paolo Jensen (24) na nagki-claim na anak umano niya (Richard) sa isang nagngangalang Cherymae Valdez from Quezon City.

Richard has been married to his wife na si Melody Yap since 1993 at meron silang dalawang grown-up children na sina Dylan at Ashley Yap.

Lumabas ang claim ni Jensen na si Richard umano ang kanyang biological father nang ito’y mag-file ng acknowledgment of paternity and affiliation sa Regional Court ng Cebu City kung saan ngayon kandidato ang businessman-actor sa pagka-kongresista. Si Richard ay unang kumandidato sa pagka-congressman sa North Cebu in 2019 pero hindi ito pinalad na manalo and he’s giving it another try sa 2022 national and local elections.

Ayon sa Cebu Daily News, ten to twelve years old umano si Jensen nang malaman niyang si Richard Yap ang kanyang biological father. Nagsimula umano siyang mag-reach out sa kanyang ama nang ilang beses pero hindi umano siya binigyan ng actor ng pagkakataon na sila’y magkakilala. There was even a time na sinubukan niyang puntahan si Richard sa ABS-CBN kasama ang kanyang maternal grandmother at ina pero hindi umano sila nabigyan na pagkakataon na makita at makausap ang actor. After several failed attempts, nagdesisyon si Jensen na maghain na lamang sa korte ng compulsory recognition of natural child or acknowledgment of paternity and affiliation sa Regional Trial Court ng Cebu City as his last resort last Thursday, October 28.

Wala pang komento ang Kapuso actor at kapareha ni Heart Evangelista sa upcoming GMA TV series, ang “I Left My Heart In Sorsogon” sa petisyong inihain ng kanyang alleged son na si Jensen.

Dennis1DennisTV series ni Jennylyn at Xian namimiligro

MAY kinalaman sa pagbubuntis ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado ang nangyaring `medical emergency’ sa taping ng kanyang bagong TV series na “Love, Die, Repeat” with Xian Liam na na-pack-up. Days later, naglabas ng official statement ang talent manager ng singer-actress that she was okey pero walang nakasaad doon kung ano ang naging cause ng `medical emergency’ ng actress.

Ngayong inamin na ng Kapuso engaged couple na sina Jennylyn at Dennis Trillo na nine weeks pregnant na ang una, dito lamang nalaman ang cause ng `medical emergency’ kaya siya isinugod sa pagamutan.

Last Friday, October 29 ay ipinaalam ng couple sa publiko sa pamamagitan ng vlog ni Jennylyn ang dalawang matinding surprise news, ang kanilang engagement na nangyari last October 8 at ang pagbubuntis ng aktres.

Sa balita ni Nelson Canlas ng “24 Oras Weekend” last Saturday ay inamin din ng couple na matagal-tagal na rin nilang plano ang pagkakaroon ng anak at sumubok pa sila sa pamamagitan ng IVF at surrogacy pero bago pa man ito naisakatuparan ay natural na nagbuntis si Jennylyn nang walang artificial medical help. Katunayan, plano sana ng couple na magtungo ng Amerika para doon isagawa ang IVF procedure. Nakakontak na rin umano sila ng magiging surrogate mother.

Masayang-masaya ngayon ang engaged couple dahil magkakaroon na sila ng baby sa normal na paraan.

Ang tanong, ngayong maselan ang pagbubuntis ni Jennylyn, tapusin pa kaya nito ang taping ng “Love, Die, Repeat” nila ni Xian Lim o hihintayin pang makapagsilang ang actress sa susunod na taon?

MyleneMylene masaya pero nahihirapang mapalayo sa mga anak

MASAYA ang award-winning Kapamilya actress Mylene Dizon (45) sa kanyang role bilang isang journalist na si Eva Marquez sa malapit nang magtapos na inspirational TV series na “Huwag Kang Mangamba” kung saan din tampok na mga bituin sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Sylvia Sanchez, Eula Valdez, Mercedes Cabral, Nonie Buencamino, Kyle Echarri, Seth Fedelin, Dominic Ochoa, Matet de Leon, Enchong Dee at iba pa.

Ang hit inspirational TV series ay nagta-tackle ng pamilya, pananampalataya, pulitika, media at iba pa na kapupulutan ng aral.

Although isa nang freelancer si Mylene, hindi nito ikinakaila na siya’y nag-grow bilang actress sa bakuran ng ABS-CBN at ng Star Magic kung saan siya naging bahagi since 1996 although nakagawa na rin siya ng ilang serye sa Kapuso Network.

Dahil sa lock-in taping set-up ngayon , hindi rin naging madali kay Mylene na mapalayo sa kanyang dalawang anak (sa actor na si Paolo Paraiso) na sina Lucas at Tomas maging sa kanyang present partner, ang basketball coach na si Jason Webb. Pero siya’y nagpapasalamat dahil sa kabila ng pandemya ay nabibigyan pa rin siya ng trabaho bilang aktres, isang bagay na kanyang ipinagpapasalamat sa Diyos.

Ang “Huwag Mangamba” ay nakatakdang magtapos early next month at ang time slot nito’y papalitan ng “Viral Scandal” nina Joshua Garcia at Charlie Dizon kasama si Dimples Romana na nagkaroon naman ng special guest appearance sa “Huwag Kang Mangamba” bilang ina ng nagkawalay na magkapatid na Mira at Joy na ginampanan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

EricEric1Eric2Eric3Eric pinangunahan ang development ng Dolphy Manor sa Batangas

ANG actor-director na si Eric Quizon ang punong abala sa construction and development ng Dolphy Manor sa loob ng Dolphy Ville Estates in Calatagan, Batangas kung saan din nakatakdang itayo ang Dolphy Museum kung saan matatagpuan ang mga memorabilia (including trophies and movies) ng yumaong comedy king na si Dolphy na sumakabilang buhay nung July 10, 2012.

Si Eric ay isa sa 18 anak ni Dolphy sa magkakaibang babae pero sumakabilang-buhay na ang apat sa kanila, sina Freddie, Rolly, Dino at Edgar Quizon. Si Freddie ay sumakabilang-buhay sa edad na 49 nung November 28, 2005. Si Dino ay pumanaw sa edad na 45 nung March 5, 2018 at eleven days lamang ang kanilang pagitan nang sumunod si Rolly nung March 15, 2018 sa edad na 59. Nung December 16, 2020 ay namaalam naman si Edgar sa edad na 63.

Si Eric ay panganay sa apat na anak ni Dolphy sa dating actress na si Pamela Ponti. Ang tatlo pa niyang mga kapatid ay sina Epy, Ronnie at Madonna Quizon.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE