
‘Richard Gomez’ tiklo sa pagpatay
SANTO DOMINGO, Nueva Ecija–Nasakote ng mga pulis ang isang suspek sa pagpatay noong Miyerkules sa Brgy. Bagong Silang sa bayang ito.
Nakilala ang nasakote na si Richard Gomez, 36, na nahuli ng Tubao municipal police at Regional Intelligence Division-La Union bandang alas-12:45 ng tanghali.
Ang pag-aresto sa kanya isinagawa batay sa warrant of arrest para sa pagpatay na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 31, Agoo, La Union.
Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang naarestong suspek.