Richard

Richard at Barbie mukhang walang balak itago ang relasyon

October 1, 2024 Vinia Vivar 208 views

Bagama’t wala pang pahayag na nanggagaling mismo kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial tungkol sa kanilang rumored relationship, mukhang wala naman silang balak itago ang anumang namamagitan sa kanila.

Kamakailan nga kasi ay nag-viral ang mga larawan nila na magkasama sa Rome, Italy.

Ang tsika ay isinama ni Richard si Barbie sa Italy kung saan kinukunan ngayon ang bagong teleserye ng aktor sa ABS-CBN, ang “Incognito” with Daniel Padilla and Ian Veneracion.

Ilang beses nakitang magkasama sina Barbie at Richard sa Italy at may kuha pa sila sa isang Filipino restaurant doon kung saan sila umano kumain ng lunch.

Mismong ang Manila Restaurant sa Italy ang nag-post sa kanilang Facebook page ng mga larawan ng rumored couple habang nasa resto nila. Makikita nga rin na game silang nag-pose kasama ang staff doon.

“Thank you Mr Richard Gutierrez and Ms Barbie Imperial for your visit and a quick lunch here in Manila Restaurant,” caption ng Manila Restaurant.

Bago ito ay marami na ring sightings kina Barbie at Richard sa kung saan-saang lugar mula early this year.

Una silang namataang magkasama sa isang gastropub sa Westgate, Alabang, Muntinlupa City. Ito ay matapos ngang mapabalitang hiwalay na si Richard sa asawang si Sarah Lahbati.

Spotted din si Barbie sa burol ng sister-in-law ni Richard na si Alexa Gutierrez, ang yumaong asawa ng kapatid ni Richard na si Elvis Gutierrez.

Nang mag-celebrate si Barbie ng kanyang kaarawan last August ay namataan ding dumalo si Richard at ina nitong si Annabelle Rama.

Matatandaang kinumpirma rin ni Ogie Diaz noong June na exclusively dating diumano sina Barbie at Richard.

BINOE, ROI AT PJ KINU-CONSIDER SA QUIBOLOY BIOPIC 

PicMarami palang producer na nagkaka-interes na isapelikula ang makulay na buhay ni Pastor Apollo Quiboloy at open naman daw ang leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) hinggil sa bagay na ito.

Nakatsikahan namin ang isa sa mga kaibigan ni Pastor Quiboloy na si Atty. Mark Tolentino, ang Anti-Fake News Task Force national president ng Kapisanan ng Social Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).

Kasabay nito ang announcement ng KSMBPI, sa pamamagitan ng founder at chairman nitong si Dr. Mike Aragon, tungkol sa pagsisimula ng shooting ng kanilang first advocacy series na “WPS” o “West Philippine Sea.”

Sa tsikahan with Atty. Tolentino ay natanong sa kanya ang tungkol sa pagsasapelikula ng buhay ni Pastor Quiboloy dahil madalas niya itong nakakausap.

Aniya, kasalukuyan pang pinag-aaralan ng sumukong pastor ang tungkol sa proyekto pati na rin ang mga artistang napipisil na gumanap dito.

Ayon kay Atty. Tolentino, may 10 pangalan daw na ibinigay kay Quiboloy na pwede niyang pagpilian para gumanap sa kanyang biopic.

Kabilang na nga raw diyan ang mga veteran actor na sina Roi Vinzon, Rey “PJ” Abellana at ang malapit na kaibigan ni Quiboloy na si Sen. Robin Padilla.

Samantala, kahapon (October 1) ay nagsimula na ngang gumiling ang camera para sa “WPS” digital series na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica, AJ Raval, Jeric Raval, Ayanna Misola at magkapatid na Rannie and Lance Raymundo.

Kwento ni Lance, magsu-shoot sila sa Intramuros, Manila at naka-lock-in sila doon for six days.

AUTHOR PROFILE