DA Source: DA file photo

Rice farmers pinayuhang maging alerto laban sa peste sa tag-ulan

August 3, 2024 Cory Martinez 118 views

PINAALALAHANAN ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang mga rice farmers na i-monitor ang kanilang sakahan laban sa mga peste, partikular na ngayong tag-ulan kung kailan umaatake ang mga ito.

Ibinigay ang babala matapos na mapatunayan ng Pest Risk Identification and Management (PRIME) project, isang inisyatibo ng Department of Agriculture (DA), na madalas umaatake ang mga peste sa mga palayan kapag tag-ulan.

Ayon kay Leonardo V. Marquez, PhilRice crop protection expert, dapat bigyan ng halaga ang matamang pag-monitor sa mga peste tuwing tag-ulan dahil aabot sa 15 porsyento ang masasayang sa mga pananim kapag hindi maagapan ang pagkalat ng peste.

Batay sa survey sa loob ng limang taon sa 53 lalawigan, limang nangungunang peste sa bigas–brown spot, dead heart, leaf blast, sheath blight at whitehead–ang na-identify ng PRIME.

Ang mga naturang peste kabilang sa 19 monitored pests na aktibo kapag tag-ulan.

Laganap ang brown spot, isang fungal disease na nakakaapekto sa bigas sa lahat ng growth stages nito, sa Western Visayas noong Disyembre 2023, ayon sa PRIME.

Lumampas sa limang porsiyento ang pest incident sa Antique, Aklan, Capiz, Iloilo at Negros Occidental. Nakakaapekto ang naturang sakit sa paglaki ng palay, yellowing, leaf drying, short panicles at empty grains.

Pinayuhan ni Marquez ang mga magsasaka na gumamit ng high-quality seeds, mag-apply ng potassium-rich fertilizers at fungicides upang maibsan ang epekto ng naturang sakit.

Samantala, naiulat naman ang mataas na pest incidence rate ng deadheart sa Iloilo.

“Deadheart, where the central part of the panicle turns white and dies, can cause substantial yield loss if 30% of the crop is affected during flowering,” ani Marquez.

Inirekomenda ni Marquez na iwasan ang paggamit ng pesticide sa loob ng 30 hanggang 40 na araw matapos ang pagtatanim, pag-promote ng beneficial insects at pag monitor ng butterfly population.

AUTHOR PROFILE