Ricci Screenshots mula sa FB/PBA Official

Ricci kinuyog ang outfit sa PBA Draft

September 18, 2023 People's Tonight 270 views

INOKRAY ng ilang netizens ang outfit ng basketbolistang si Ricci Rivero matapos siyang dumalo sa PBA Draft nitong Linggo, Setyembre 17 sa Taguig.

Todo porma at awra si Ricci habang kinukuhanan ng larawan at video ng press. Suot-suot pa nga niya ang isang amerikana, leather pants, at makintab na sapatos.

Narito ang ilang komento ng netizens sa pagdalo ni Ricci sa PBA Draft:

“Dapat kunin sya, taga linis ng damit.”

“Basta bagong laba proud mo talagang ipakita.”

“The Laundry Man!”

“Mahirap mag laba ng damit na mga ganyan. Talagang tatamarin ka.”

“Michael jackson sumali na sa PBA.”

“Mukhang di na naman nakapag pa-laundry.”

“Madami labahan hahahahaha.”

“Nalabhan na ba yang suot niya?”

“Di nakapaglaba, nagrenta na lang ata.”

Matatandaang naging isyu na hindi raw nagpapa-laundry ang basketbolista matapos sabihin ng kanyang ex-girlfriend at aktres na si Andrea Brillantes sa isang vlog ang mga linyang, “Iiyakan ko yung lalaking hindi nagpapa-laundry ng isang taon?”

Kinuha si Ricci ng Phoenix Super LPG Fuel Masters bilang manlalaro sa PBA para sa ikalawang round sa ginanap na PBA Draft para sa Season 48.

AUTHOR PROFILE