Seth

Ricci at Andrea, grabe ang pakilig sa fans

April 10, 2022 Vinia Vivar 116 views

Grabe ang pakilig na ginawa ng UP Fighting Maroons player na si Ricci Rivero sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) game last Saturday.

Nanood ng game ni Ricci si Andrea held at the Mall of Asia Arena last Saturday.

Matatandaang last month nagsimulang kumalat ang balita na nagde-date ang dalawa.

Right after the game ay nag-propose si Ricci kay Andrea and asked her to be his girlfriend.

Hindi na ito nakita sa TV pero may fans na nakapag-take ng video na ipinost agad nila sa social media na kaagad namang nag-viral.

Sa video ay makikitang kinuha ni Ricci ang microphone and said, “I just wanna ask Blythe (real name ni Andrea) to be my girlfriend?”

Grabe ang hiyawan ng fans na maririnig sa video. Ang isa nga ay sumigaw pa ng PI sa sobrang kilig.

Halatang plinano talaga ni Ricci ang proposal dahil sa likod ni Andrea sa audience ay may dalawang lalaki na may hawak na t-shirt, ang isa ay may nakatatak na “yes” at ang isa naman ay “no.”

Obviously ay pinapipili si Blythe kung yes or no.

Nang piliin ni Andrea ang t-shirt na “yes,” sigawan na naman ang fans.

Sey ni Ricci on mic, “I love you,” at nag-flying kiss pa kay Andrea bago tumakbo na patungong dressing room.

Later ay nag-post naman sina Ricci at Andrea sa kani-kanilang social media account.

Sa post ni Blythe sa kanyang Facebook account, makikitang suot niya ang “Yes” t-shirt at may hawak siyang bouquet of flowers.

Kitang kita sa mukha niya ang matinding saya.

“First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang mag kaka boyfriend pa ako. grabe naman yun Lord! 04.09.22,” caption ni Andrea.

Nag-tweet naman si Ricci sa Twitter na taken na siya.

“GOT TWO WINS TODAY! #UPFight || TAKEN,” ang tweet ni Ricci.

In fairness, pati kami ang kinilig sa dalawa, huh!

Bagay naman sila, sa totoo lang.

’Yun nga lang, for sure ay na-sad ang fans ng loveteam nina Andrea at Seth Fedelin.

Sana lang ay hindi ito makaapekto sa SethDrea loveteam.

AUTHOR PROFILE