Cepeda

RICARDO, TIWALA NA MAPAPAWALANG-SALA SA MGA KASONG KINAKAHARAP NIYA

October 11, 2023 Vinia Vivar 362 views

Nagsalita na si Ricardo Cepeda hinggil sa pagkaka-aresto sa kanya at sa kasong syndicated estafa na kinasasangkutan.

Ayon sa aktor sa panayam ng 24 Oras, ikina-shock niya ang pangyayari at hindi niya inakalang hahantong siya sa kulungan.

“I was shocked because I didn’t… I wasn’t aware na umabot sa may warrants ako. I had heard na may mga scam daw but ‘di ko alam na sinama nila ako,” aniya.

Iginiit ng aktor an endorser lamang siya ng mga produkto ng kumpanya.

“I am not connected at all sa company. Even sa business registration, my name is not there. Wala ako sa running business, anything of the company. Ano, model lang ako about the products,” paliwanag niya.

Bukod sa 23 counts of syndicated estafa, may isa pang warrant of arrest si Ricardo dahil sa bouncing check case at may three counts of violation pa ng RA No. 8799, or Securities Regulation Code.

Tiwala naman daw ang aktor na mapapawalang-sala siya sa mga akusasyon laban sa kanya.

“‘Yung ano ko lang is the time. The wasted time that I can’t do anything. I cannot work because I’m here trying to prove my innocence,” pahayag ni Ricardo.

AUTHOR PROFILE