Ria

Ria itinanggi ang relasyon kay Joshua

March 25, 2022 Aster Amoyo 270 views

MARIA Sophia Campo Atayde better known in showbiz as Ria Atayde turned 30 last March 23 at isa-isang bumati sa kanya ang kanyang malalapit na kaibigan in and out of showbiz. Kasama na rito ang napapabalita niyang rumored boyfriend na si Joshua Garcia na pinagtatawanan lamang ng dalawa dahil wala umano silang relasyon liban sa pagiging magkaibigan na madalas nabibigyan ng ibang kulay. The actress is also close to other male friends tulad nina Enchong Dee, Joseph Marco, JM de Guzman at iba pa. Kilala kasi ang dalaga ng seasoned actress na si Sylvia Sanchez sa pagiging caring sa mga kaibigan, mapa-babae o lalake man.

Si Ria ay nakababatang kapatid ng mahusay na actor na si Arjo Atayde pero she’s not banking on the popularity of her mother and brother. Gumagawa siya ng sariling pangalan na kanyang sinimulan in 2015 nang mapabilang siya sa daytime TV series na “Ningning” na pinangunahan ng child star na si Jana Agoncillo at kung saan din ang ina na si Sylvia Sanchez. Magmula noon ay nagpatuloy na ang acting career ng dalaga.

Throughout her career, she did not only gain the experience bilang isang mahusay na actress kundi mas marami pa siyang natutunan about life at nagkaroon pa siya ng mas maraming kaibigan.

She looks up to her mom and elder brother not only as her mentors but her inspirations as well.

“I will always be proud of my mom and my brother pero ang sarap lang ng pakiramdam na nakikilala nila ako ngayon bilang aktres na si Ria Atayde,” pahayag pa ng dalaga.

Si Ria ay kasalukuyang napapanood sa hit primetime drama series na “Viral Scandal” where she plays the role of lawyer na si Atty. Laura Dizon. Mapapanood din siya sa upcoming iWant TFC series na “Misis Piggy” kasama ang inang si Sylvia Sanchez. Kasama rin siya sa suspense-thriller project na “Cattleya Killer” na pinagbibidahan mismo ng kanyang kapatid na si Arjo Atayde kasama sina Christopher de Leon, Jane Oineza, Ketchup Eusebio, Jake Cuenca, Ricky Davao, Nonie Buencamino na pinamahalaan ni Dan Villegas. Ang nasabing ABS-CBN project is intended for international release.

AnaKitKit at Ana tahimik sa kaso

MAY ilang araw na ring tahimik ang magkahiwalay na kampo ng magkasintahang Kit Thompson at Ana Jalandoni after their fight na nauwi sa pisikalan habang sila’y naka-check-in sa isang hotel in Tagaytay City nung isang linggo.

Pursigido umano ang sexy actress na kasuhan ang kanyang nobyo dahil sa ginawang pananakit nito sa kanya.

Although nakalabas na ng kulungan si Kit nung hapon ng March 21, wala pa ring inilalabas na statement ang kanyang kampo maging sa side ni Ana.

Dahil sa nangyari, hindi kami magtataka kung mauwi sa tuluyang paghihiwalay nina Kit at Ana na umabot lamang ang relasyon ng ilang buwan.

KrisRuffa pinasaringan si Kris?

SA kabila ng kanyang health condition at pagbabawal ng kanyang mga doctor, dumalo pa rin ang tinaguriang Queen of All Media sa isang rally ni VP Leni Robredo sa Tarlac a few days ago at hindi rin ito napigilan sa pagpapakawala ng maaanghang na salita laban sa ibang taong hindi niya pinangalanan including her ex-boyfriend, ang senatoriable na si Herbert Bautista na kasama sa senatorial slate nina BBM at Sara Duterte.

Hindi naman nagpabaya ang napapabalitang girlfriend ngayon ng dating alkalde ng Quezon City na si Ruffa Gutierrez na nag-post sa kanyang Instagram account last Thursday, March 14.

“Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.”

Si Kris kaya ang pinatutungkulan ng aktres at dating beauty queen?

May mga nag-react naman na hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nakakapag-move on si Kris sa kabila na matagal na silang wala ni Herbert na nagkaroon pa ng kapalit in the person of former DILG Secretary na si Mel Sarmiento kung kanino siya engaged pero nauwi rin sa hiwalayan ang lahat.

Ayon pa sa ilang supporters ni Herbert, dapat daw na mas pagtuunan ni Kris ang kanyang health condition kesa makisawsaw pa ito sa pulitika.

Huwag daw hintayin ni Kris na ang ina ni Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama ang sumagot sa kanya.

EchoJericho at Kim nakapag-adjust na sa New York life

ALTHOUGH nag-relocate na sa Big Apple (New York City) ang Kapamilya singer-actor na si Jericho Rosales (42) kasama ang kanyang wife of eight years, ang British-born Australian digital creative and fashion influencer na si Kim Jones-Rosales, bukas pa rin siya sa maraming opportunities na darating sa kanya including good projects from his home studio, ang ABS-CBN.

Si Jericho ang napisil na magbida sa isang international action series na “Sellblock,” na ipu-produce ng ABS-CBN International and Co-Production division in co-production with BlockOps Studios Asia, Psyops8, Story Arch Pictures and Agog Film Productions. Makakasama ng actor sa nasabing proyekto sina Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Ronnie Lazaro, Rosanna Roces, Mon Confiado at RK Bagatsing.

Wala pang detalye kung ang “Sellblock” ay sa Pilipinas kukunan o sa ibang bansa.

Samantala, unti-unti nang nakakapag-adjust ang mag-asawang Jericho at Kim sa kanilang bagong buhay sa New York City. Bukod sa “Sellblock,” Jericho is looking forward to doing more international projects at tuluyan na ring mapasok ang international scene.

Samantala, wala pa mang anak ang mag-asawang Jericho at Kim (in their 8- year marriage), ang actor ay may 21-year-old son sa kanyang ex-girlfriend, ang dating model-turned entrepreneur na si Kai Palomares na si Santino `Saint’ Rosales na isa na ring young entrepreneur.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE