Rhian

Rhian may dahilan bakit di pa nag-aasawa

June 3, 2022 Aster Amoyo 222 views

Rhian1

COME October 3 ay magti-32 years old na ang Kapuso singer, actress, host at celebrity endorser na si Rhian Ramos na isang Filipino-British. Her mom Cara Ramos is Filipina habang ang kanyang dad na si Gareth Howell ay isang British. She has a sister Nadine and her parents are now separated.

Although nasa marrying age na rin si Rhian at 31, she is not in a rush to take the plunge. Hindi rin ito ang kanyang priority sa ngayon maybe until the right guy comes along and proposes to her.

Since produkto si Rhian ng isang broken marriage, since she was a kid ay hindi siya gaanong interesado sa kasal although hindi naman daw ito nangangahulugan na hindi siya naniniwala rito.

Nagbigay pa nga siya ng timetable na 35 ang marrying age para sa kanya.

Rhian has had a string of relationships in the past. Magmula nang pasukin niya ang showbiz in 2006 ay naging kasintahan niya ang Kapuso actor-dancer na si Mark Herras na sinundan ng dating Kapuso at ngayon ay Kapamilya actor-entrepreneur na si JC de Vera, ang non-showbiz guy na si Jeric Lacson. Naging controversial naman ang separation niya with DJ Mo (Mohan Gumatay) in 2011. Naging boyfriend din niya ang ex-husband ng singer-actress na si Geneva Cruz, ang Fil-Am host-actor na si KC Montero, ang businessman at race car driver na si Jason Choachuy na siyang partner ngayon ng model, actress-host na si Phoemela Baranda at meron na silang daughter. The last na kanyang naka-relasyon ay ang Israeli businessman na si Amit Borsok.

Tahimik ngayon ang singer-actress pagdating sa kanyang lovelife after her break-up with Amit in 2020.

Si Rhian ay tampok sa Kapuso crime-drama-mystery TV series na “Artikulo 247” na pinagsamahan nila nina Kris Bernal, Benjamin Alves at Mark Herras.

Angel

Sexy actress mahinhin sa tunay na buhay

HINDI ikinakaila ng Vivamax sex siren at college graduating student in Angeles, Pampanga na si Angela Morena na marami sa kanyang mga kaibigan at kakilala ang nabigla sa kanyang ginawang pagpapa-seksi sa mga pelikulang kanyang ginagawa under Viva Films, her home studio.

Kilala si Angela sa pagiging mahinhin at conservative pero sobrang daring pagdating sa kanyang mga movies tulad nitong upcoming movie niyang “High (School) On Sex” na dinirek ni GB Sampedro at pinagsasamahan nila ng iba pang sexy talents ng Viva tulad nina Wilbert Ross, Denise Esteban, Mig Almendras, Kat Dovey, Rob Guinto, Marco Gomez, Andrea Garcia, Juami Gutierrez, Katya Santos, Sheree Bautista at younger sister niyang si Micaela Raz. Ang nasabing pelikula ay matutunghayan na on streaming app na Vivamax ngayong June 5, araw ng linggo.

Si Angela ay tampok din sa iba pang sexy movies tulad ng “Kinsenas, Katapusan,” “Iskandalo, “X-deal 2” at comedy movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! (O Sige)” at iba pa.

Para sa pamangkin ng dating sexy star na si Lara Morena, ang ginagawa niyang pagpapaseksi sa pelikula ay bahagi lamang umano ng kanyang trabaho bilang actress at umaasa siya na siya’y mabibigyan din ng pagkakataon na mabigyan ng pelikulang magpapakita ng kanyang husay sa larangan ng pag-arte balang araw.

“Hindi lamang po kasi pagpapa-seksi ang kaya kong gawin. Looking forward to portray other challenging roles as well,” pahayag pa niya.

Wilbert

Wilbert napagsasabay-sabay lahat

HINDI ikinakaila ng singer-actor na si Wilbert Ross na kahit singing at pagku-compose ang kanyang first love, nagi-enjoy din umano siya bilang actor. Siya’y naging bahagi ng record-breaking movie na “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards in 2019 gayundin ang “James & Pat & Dave” in 2020. Nung isang taon, he debuted on Vivamax sa pamamagitan ng “Crush Kong Curly” na dinirek ni GM Sampedro. Last February, Wilbert was launched bilang sexy actor sa pelikulang “Boy Bastos” at kasunod na rito ang “High (School) On Sex” na palabas ngayong Linggo, June 5 on Vivamax streaming app. Siya rin ang nag-compose at kumanta ng theme song ng naturang pelikula.

“I can mix singing, composing and acting na pare-parehong form of art,” aniya.

Teysi

Teysi abala pa rin sa local showbiz kahit nasa ibang bansa na

IT was in 2018 nang mag-settle sa Isle of Man (IOM), isang isla sa pagitan ng Great Britain and Ireland ang mag-asawang Tessie Tomas and her British marine engineer husband na si Roger Pullin. Pero sa kabila na sa isang isla sila nakatira, tuluy-tuloy pa rin ang maraming activities na pinagkakaabalahan ng dating radio talent, former advertising executive, writer, TV host, stand-up comedienne, actress at vlogger.

In our recent exclusive interview with her sa aming online show na “TicTALK with Aster Amoyo, ” inamin ni Tessie na bukas pa rin umano siya na tumanggap ng proyekto sa Pilipinas provided the project is worth her time para muling bumalik ng Pilipinas. Katunayan, she’s coming back soon to do another challenging role sa upcoming TV drama series ng Dreamscape Entertainment, ang “Dirty Linen” na tinatampukan nina Janine Guietterez, Zanjoe Marudo, Jennica Garcia, Francine Diaz at Seth Fedelin kasama sina John Arcilla, Joel Torre at marami pang iba.

Tessie might stay in Manila for about four months to do the series for ABS-CBN.

Si Tessie ay huling napanood in 2018 sa primetime TV series na “The Blood Sisters” na pinangunahan ni Erich Gonzales who played three different characters directed by Jojo Saguin.

“Nakaka-excite ang bagong role na gagampanan ko,” aniya.

Although sa Isle of Man na siya namimirmihan ngayon with her husband na si Roger, Tessie maintains her condo unit in Makati City para meron siyang matutuluyan each time na narito siya sa Pilipinas.

Nagpapasalamat din si Tessie sa kanyang husband sa pagiging supportive nito sa kanya sa kabila na magkakalayo sila ng ilang buwan.

“He knows that acting is my passion,” pahayag pa ni Tessie na kapwa naming Waray.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE