Rhian idinisplay na ang bagong boyfriend

August 4, 2022 Aster Amoyo 1744 views

THIRTY-one-year-old Kapuso actress Rhian Ramos is currently in a new relationship matapos magwakas ang kanyang relasyon sa kanyang ex-Israeli boyfriend na si Amit Borsok in 2020.

Sa nakaraang GMA Thanksgiving Gala Night, first time na nakita ang Kapuso actress with her new boyfriend, ang businessman na si Sam Verzosa na co-founder ng Frontrow at founder ng Motorsports sa Pilipinas, among other businesses that he is into.

Since she entered showbiz, she has had a string of relationships na kanyang sinimulan kay Mark Herras in 2007. Ito’y sinundan ng dating Kapuso actor-turned Kapamilya actor na si JC de Vera. Her most controversial relationship was with Mo Twister. Then there was Jeric Lacson, the son of former Sen. Panfilo Lacson, Geneva Cruz’s ex-husband na si KC Montero, businessman and car racer na si Jason Choachuy (her longest relationship so far) at ang Israeli national na si Amit Borsok bago naging sila ni Sam Verzosa.

Sina Mark, JC, Mo Twister and KC are now all married habang si Jason ay present partner ngayon ng model, actress and host na si Phoemela Baranda at meron na rin silang isang anak.

Probinsyano

Pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’ maraming naapektuhan

ALTHOUGH magtatapos na ang top-rating and longest running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” sa darating na August 12, napaaga ang pag-exit sa serye ng character ni Rosanna Roces as Lolita noong Wednesday, August 3 episode ng serye.

Thankful si Rosanna sa bumubuo ng TV series sa pangunguna ni Coco Martin sa kanyang almost year-long stint sa programa dahil kakaibang experience umano ang kanyang naranasan at natutunan.

Although sa September pa ang 7th anniversary ng serye, lahat ng naging bahagi ng programa ay sobra-sobra ang pasasalamat dahil bukod sa entertainment at kakaibang excitement sa bawat episode, napakaraming artista ang nabigyan ng trabaho.

Hindi lamang ang manonood ang maapektuhan sa pagtatapos ng serye kundi laluna ang maraming taong natulungan ng programa.

Maituturing ding pinaka-expensive ang mounting ng serye ni Coco dahil bukod sa cast, napakaraming extra ang kailangan maging ang mga de kalibreng baril na kailangan sa set.

Ngayong isang linggo na lamang ang hihintayin sa pagtatapos ng serye, tiyak na mahihirapan ang lahat ng involved sa serye na mag-adjust dahil halos pitong taon silang nagsama-sama at karamihan sa kanila ay dadaan sa separation anxiety.

Cesar

MaidCesar proud sa anak na si Diego

MEMORABLE para sa mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga ang pelikulang “Maid in Malacanang” mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap under Viva Films dahil bukod sa hindi basta-bastang personalidad ang kanilang ginampanan (the late former President Ferdinand E. Marcos kay Cesar at Bongbong Marcos, Jr. kay Diego), this is the very first time na nagkatrabaho ang mag-ama na kamakailan lang din nagkaayos.

Puring-puri ni Cesar ang kanyang binatang anak dahil napaka-husay umano nito sa ginampanang papel which makes him feel proud as a father.

Surreal naman ang pakiramdam ni Diego who considers “Maid in Malacanang” his biggest project to date.

May ilang beses na ring naka-trabaho ni Diego si Direk Darryl pero na-amaze umano siya sa pagkakagawa ng “Maid in Malacanang” na kasalukuyang pinipilahan sa mga sinehan na magandang senyales ng pagbabalik-sigla ng movie-going public sa mga sinehan.

Dahil sa tagumpay ng”Maid in Malacanang” sa takilya, ganado ngayon ang Viva na mag-produce ng marami pang pelikula for theatrical release na hiwalay sa kanilang palabas sa kanilang sariling streaming app, ang Vivamax.

Bukod kina Cesar at Diego, ang “Maid in Malacanang” ay tinatampukan din nina Ruffa Gutierrez, Cristine Reys, Ella Cruz, Kiko Estrada, Kyle Velino at ang tatlong “Maids in Malacanang na sina Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE