Rhian

Rhian at Sam open na ang relasyon

September 15, 2022 Aster Amoyo 615 views

OPEN na sa publiko ang pakikipag-relasyon ng Kapuso singer, actress at model na si Rhian Ramos (31) sa kanyang entrepreneur boyfriend na si Sam Verzosa, CEO at co-founder ng Frontrow Philippines.

Ang first public appearance ng dalawa ay nangyari nung nakaraang July 30, 2022 sa GMA Thanksgiving Gala Night na ginanap sa ballroom ng Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City, Taguig City.

Bago naging boyfriend ni Rhian si Sam ay huling naka-relasyon ng Kapuso singer-actress-model ang Israeli businessman na si Amit Borsok. She was also in a relationship before with Kapuso actor-dancer na si Mark Herras, ang Fil-Am host- actor na si KC Montero at ang DJ na si Mo Twister (Mohan Gumatay) kung kanino naging very controversial ang kanilang break-up.

Kasalukuyang napapanood si Rhian sa bagong TV series ng GMA, ang “Artikulo 247”.

WifeWife1

Direk Paul may future bilang film director

MALAKI ang future ng mahusay at award-winning TV commercial director, music video, concert and stage director na si Paul Basinillo sa pagiging filmmaker dahil sa magaling nitong pagkakadirek ng “Indak” ni Nadine Lustre at ng bagong sexy drama-thriller movie ng dating beauty queen-turned Viva actress na si Janelle Tee sa pelikulang “The Escort Wife” kung saan din tampok na mga bituin sina Raymond Bagatsing at Ava Mendez at iba pa.

Malinis at pulido ang pagkaka-direk ni Direk Paul ng “The Escort Wife” at kakaiba ang kanyang atake bilang director kaya hindi kami magtataka kung maging sunud-sunod ang pagdi-direk nito ng mga pelikula na palabas sa Vivamax streaming app maging sa mga sinehan.

Inamin din ni Direk Paul na mahuhusay ang bumubuo na cast ng “The Escort Wife” na pinangunahan ni Janelle at ng seasoned actor na si Raymond.

Samantala, more than her baring in the movie, nakita ang pagiging mahusay na actress ni Janelle who played the role of Patricia, isang bored wife- turned The Escort Wife dahil sa ginawang panloloko sa kanya ng kanyang mister played by Raymond. Tinuruan siya ng kanyang naging kaibigan na si Chrissy (Ava Mendez) na isang estudyante cum escort girl na isa sa mga naging kliyente ay ang mister ni Patricia.

Ang writer-director na si Direk Yam Laranas ang sumulat at creative head ng “The Escort Wife” na first attempt ni Direk Paul bilang director ng isang sexy- drama-thriller film.

Puring-puri rin ni Direk Paul ang husay na ipinamalas ni Janelle sa nasabing pelikula from being a loving bored wife hanggang sa kanyang pagiging palaban dahil sa ginawang panloloko ng kanyang mister. mInamin ni Janelle na kahit nagpapa-seksi siya sa mga pelikulang kanyang ginagawa, gusto niyang makilala bilang isang mahusay na aktres balang araw.

Rayver

Rayver at Julie Ann first time magkakasama abroad

SA unang pagkakataon ay magkakasama-sama sa isang concert ang ilang sa mga Kapuso stars na binubuo nina Dingdong Dantes, Bea Alonzo, Ai-Ai de las Alas, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose kasama ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha sa isang two-day concert na gaganapin sa Pechanga Resort Casino in California, USA sa darating na September 24 & 25, 2022 para sa ika-17 th anniversary ng GMA Pinoy TV sa Amerika at iba’t ibang bansa.

Ang two-night concert ng tropa ay magsisilbing first trip abroad bilang magkasintahan ng bagong mag-sweetheart na sina Rayver at Julie Anne. First time din magsasama-sama sa isang show sina Dingdong, Bea, Ai-Ai, Lani, Rayver at Julie Anne.

Ang kanilang US concert na pinamagatang “GMA Pinoy TV: Stronger Together” ay magsisilbi ring break nila sa kanilang respective programs and shows. Si Dingdong ang host ng local TV adaptation ng game show na “Family Feud,” si Bea sa kanyang first TV series bilang bagong Kapuso, ang “Start-Up PH” na Philippine adaption ng K-drama series. Dito ay kapareha niya si Alden Richards habang sina Rayver at Julie Anne ay regular na napapanood sa “All-Out Sundays”.

Sina Ai-Ai at Lani naman ay regular judges sa seasonal reality singing competition na “The Clash”. Si Ai-Ai ay pabalik-balik ng Amerika kung saan naroon ang dalawa sa kanyang mga nak na sina Nicolo at bagong kasal na si Sophia habang si Lani naman ay sa Las Vegas, Nevada, USA naka-base with her family.

Zeinab3

Zeinab gustong maka-collab si Piolo

SOCIAL media star Zeinab Harake is the newest addition sa still-growing family ng brand ambassadors ng Beautederm na pinamumunuan ng president- CEO, ang successful entrepreneur na si Rhea Anicoche-Tan.

Sa kabila ng maitinding iskandalo na kisangkutan ni Zeinab at ng kanyang dating partner, ang rapper na si Skusta Clee (Daryl Ruiz) dahil sa ginawa nitong panloloko sa kanya when she was pregnant with their second baby na si Moon na nauwi sa kanyang miscarriage, unti-unting nakabangon ang social media star para na rin sa kanyang anak (kay Daryl) na si Bia (Zebbiana Harake Ruiz).

If there is one thing na pinasasalamatan ni Zeinab sa kanilang paghihiwalay ni Daryl ay nabiyayaban umano siya ng anak na si Bia na siya niyang inspirasyon ngayon sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa. Pero hindi nito ikinakaila na dumaan umano siya sa depression nang magkahiwalay sila ng kanyang partner.

Thankfully, she is now in a better state ng kanyang sarili and is currently in love with a new guy na pinaghuhugutan din umano niya ng lakas at inspirasyon.

Nagpapasalamat din siya kay Rei at ang Beautederm sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya bilang isa sa napakaraming brand ambassadors ng popular beauty and wellness line.

During the launch, inamin ni Zeinab na crush niya umano ang Pinoy heartthrob at isa sa mga kasamahan niya sa Beautederm na si Pio Pascual na pangarap niyang maka-collab. Looking forward siya sa araw na makaharap niya ang kanyang ultimate crush na si Piolo.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE