
Rhen na-touch sa inasal ng batang Aeta
AWARE si Rhen Escaño na may mga celebrity na naba-bash dahil sa pag-i-endorso ng online gaming at casino pero hindi siya nagwo-worry dahil lagi umano niyang ipinaaalala na maging responsible gamers ang netizens.
Sa renewal ng partnership ng aktres bilang ambassador ng CC6 Online Casino and FunBingo kamakailan, inulit niya ang commitment sa pagpo-promote ng responsible gaming at paggi-give back sa mga nangangailangang community.
Isa nga ang charitable initiatives ng CC6 at FunBingo sa mga nagkumbinse kay Rhen na ipagpatuloy ang endorsement.
Kwento ng Viva artist, “Sa isang buong taon last year, ang rami naming na-reach na lugar, natulungan na iba’t ibang klaseng tao. Sana this year mas marami pa tayong matulungan at maabot na tulong sa kanila, kasi hindi palagi nabibigyan tayo ng chance na maging tool. Hopefully, this year mas marami pang pasabog.”
Napaka-rewarding umano para sa dalaga ang personal na pagbisita sa iba’t ibang komunidad para mag-abot ng tulong at suporta. Nariyan ang pagtulong nila sa indigenous Aeta students sa Bataan, tree-planting activity sa Rizal at pagsuporta sa local sports leagues sa Cavite at Bulacan.
“Every Sunday, every weekend I look forward na may pinupuntahan kaming area, and ang lagi kong pinipili ‘yung maraming kids, kasi pagpunta pa lang namin du’n, kahit mahaba ang biyahe, kahit nakakapagod siya, nawawala ang stress ko sa buhay. Nawawala ang marami kong iniisip ‘pag nakikita ko ang mga ngiti nila,” pahayag ni Rhen.
Patuloy niya, “Ang pinaka-memorable sa akin was last year nu’ng pumunta kami sa community na may mga Aeta na kids. May isang bata du’n na nakita ko ’yung food na binigay namin nakapatong lang sa armchair. Tinanong namin bakit hindi niya kinakain ‘yung food… Ang weird, hindi nya kinakain. Tapos sabi nya, ‘iuuwi ko na lang po para mabigay sa kapatid ko at nanay ko.’
Du’n ako parang na (touch). ‘Di ba? ‘Eto ‘yung mga klase ng tao na hindi ko palagi nami-meet na mata-touch buhay mo. ‘Eto ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang endorsement na ito.”
Tungkol naman sa pangba-bash na tinatanggap ng ibang celebrity endorsers ng online gaming/casino, anang aktres, so far ay wala pa naman siyang natatanggap na negatibong feedback mula nang pumirma siya sa CC6/FunBingo.
Paliwanag niya, “Kanina may nagtanong and surprisingly, for the whole year, wala akong nakitang bashing kahit isa. I-check n’yo socials ko – Facebook, Instagram, Tiktok. Why? Because hindi namin hinihikayat ‘yung mag-download kayo nito… but mas more ang posting namin is maging aware ang mga tao sa CC6, but not mismo online games.
“Nagpapakita kami videos and photos kung saan napupunta ang pera na pinanglalaro nila. So, para sa akin, sa dinami-dami ng nag-e-exist na online games, saan kayo nakakita ng naggi-give back and for a good cause? Kahit si Lord, malilito.
Paalala niyang muli, “Hindi ko sinasabi na walang masama sa (gaming). Lagi kong sinasabi, okay lang ‘yan, pero may part na hindi magiging okay ‘pag hindi ka na marunong makuntento.”