Rhen Escano Rhen Escano

Rhen gustong sundan si Lovi

July 9, 2021 Aster Amoyo 737 views

UNANG napansin ang Viva actress na si Rhen Escano nang siya’y magpa-seksi sa mga pelikulang “Adan” at “Untrue”at doon din nakita ang kanyang husay sa pag-arte.

Si Rhen ay muling nagbabalik sa pamamagitan ng sexy-thriller movie na “The Other Wife” mula sa panulat at direksiyon ni Yam Laranas at pinagsasamahan nila nina Lovi Poe at Joem Bascon.

Naalala niya, twice na silang nagka-trabaho ni Lovi sa teleserye. Una sa “Lipgloss” ng TV5 nung 2009 at sa “Legacy” series ng GMA in 2012. But nine years later, Rhen is now sharing equal billing with Lovi na isa sa kanyang mga hinahangaang aktres. Bukod kasi sa pagpapa-seksi at pagiging daring ni Lovi, litaw din ang pagiging mahusay na aktres nito, the same path na tinatahak ni Rhen.

Although nagpapa-sexy si Rhen sa kanyang mga pelikulang ginagawa, mas gusto niyang makilala bilang isang mahusay na aktres.

Ayon kay Rhen, kinailangan niyang lumabas sa kanyang comfort zone para makilala.

“Sobra po ang pasasalamat ko kay Boss Vic (del Rosario) dahil sa tiwalang ibinigay sa akin,” pahayag pa ni Rhen.

Bukod sa pelikulang “Adan,” her launching movie with former beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda at pelikulang “Untrue” na pinagbidahan nina Cistine Reyes at Xian Lim at sa upcoming movie na “The Other Wife,” si Rhen ay mapapanood din sa “Rooftop” at sa Philippine adaption ng South Korean movie na “Spellbound” na pinagbibidahan naman nina Bela Padilla at Marco Gumabao. At meron pa siyang ibang projects na nakatakdang simulan pagkatapos ng kanyang two-month shoot in Singapore for an international movie.

Viva’s big catalogues of Korean movies

ANG Viva ang may hawak ng pinakamalaking catalogue ng K-movies and K-dramas kaya marami silang magagandang material na puwedeng i-adapt locally. Take the case ng hit Korean movie na “Miracle in Cell No. 7” na nagkaroon ng local adaptation na pinagbidahan nina Aga Muhlach, Xia Vigor at Bela Padilla at naging top-grossing film sa 2019 Metro Manila Film Festival bukod pa sa mga parangal na tinanggap ng pelikula.

Ang “Encounter” TV series nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga ay hango rin sa K-Drama of same title maging ang “Spellbound” movie nina Bella Padilla at Marco Gumabao. Nariyan pa ang pelikulang “A Hard Day” nina Dingdong Dantes at John Arcilla at ang upcoming movie ni Aga Muhlach na “A Man and A Woman”. Ang mga nabanggit na pelikula ay pawang local adaptation ng hit Korean movies.

Dahil sa wide catalogue ng K-Dramas at K-movies na hawak ng Viva ngayon, hindi sila mauubusan ng materyales for local adaptation lalupa’t kailangan nila ng content for their own streaming app, ang Vivamax.

Cristine pinagbago ng anak

AYON sa 32-year-old single mom actress na si Cristine Reyes, nakaranas umano siya ng encouncer with God nung 2011 nang siya’y magkaroon ng viral infection na nauwi sa meningitis kaya siya na-confine sa pagamutan nang halos isang buwan. Inakala ng singer-actress na katapusan na niya at doon siya nagdasal nang husto na huwag pa siyang kunin.

Christine Reyes

“I was fighting for my life. Gusto ko pang mabuhay at ayoko pang mamatay. I prayed hard,” kuwento niya at the presscon of “Encounter” TV series na pinagtatambalan nila ni Diego Loyzaga.

At that time ay may ongoing siyang TV series, ang “Reputasyon” at pelikulang “No Other Woman” na ginagawa.

“Doon ko napatunayan that God listens when you pray hard,” aniya.

First time ni Cristine na makatrabaho si Diego sa “Encounter” and they had fun doing the TV series na kinunan pa sa ilang bahagi ng Ilocos. Pansin din ng singer-actress ang pagiging in-love ng young actor (kay Barbie Imperial) dahil iba umanong glow ang lumalabas kay Diego sa kanilang mga eksena.

Hindi ikinakaila ni Cristine na sobra umano ang kanyang bonding moment with her 6-year-old daughter na si Amarah Khatibi nitong pandemic dahil most of the time ay nasa bahay lamang silang mag-ina kapag wala siyang trabaho.

“We play, we dance, we sing, we watch TV, we eat together at tinuturuan ko rin siya sa kanyang mga lessons,” pagbabahagi pa ng doting singer-actress.

Dahil ina-idolize siya ng kanyang anak, cautious si Crsitine sa kanyang mga kilos sa loob ng bahay dahil ginagaya siya nito.

Si Amarah umano ang biggest blessing na dumating sa kanyang buhay. Dahil sa kanyang anak, marami umano siyang binago sa sarili.

Diego umaasang muling makakasundo ang ama

KAHIT nasa pangangalaga na ng Viva, hinding-hindi makakalimutan ng 26-year-old young actor na si Diego Loyzaga ang naitulong sa kanya ng ABS-CBN kung saan siya nagsimula at nakilala.

Given the chance, gusto pa rin ni Diego na makagawa ng proyekto with ABS-CBN although wala siyang exclusive TV network contract. Being with Viva, open umano siya to work with any network. Ang “Encounter” TV series nila ni Cristine ay unang ipinalabas sa TV5 at mapapanood naman sa Vivamax simula sa July 23.

Hinding-hindi naman makakalimutan ni Diego ang kanyang first encounter with his biological father, ang actor-director-producer na si Cesar Montano, maging ang kanyang unang encounter with his girlfriend now, ang Kapamilya young star na si Barbie Imperial.

Although hindi pa rin in good terms up to now si Diego with his father, umaasa siya na magkakalapit din silang muli balang araw.

Si Diego ay huling napanood sa pelikulang “Death of A Girlfriend” with AJ Raval na ipinalabas sa Vivamax kamakailan lamang.

“Looking forward to more projects with Viva,” ani Diego whose encounter with God happened nung late 2018 to late 2019 when he was down and out.

Maris makes beautiful music with Rico

2019 nang unang mag-collaborate sina Rico Blanco at Maris Racal sa song ng young singer-actress na “Abot Langit”.

Rico Blanco

Inamin ng dating frontman ng Rivermaya na doon nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ni Maris. Noong May, inamin ni Maris na may romantic relationship na nga silang dalawa ni Rico.

Vocal si Maris sa pagsasabing she has always been a big fan of Rico na pinangarap niyang maka-collaborate sa songs na siya mismo ang nag-compose. Unknown to many, si Maris ay isa ring mahusay na songwriter.

Si Rico ay isa ring mahusay na composer, musician at record producer at meron siyang sariling record label, ang Balcony Entertainment kung saan kabilang ang ibang singers na sina Ebe Dancel, Top Suzara at iba pa.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE